Digong patatalsikin gamit ang EDSA 1 anniversary | Bandera

Digong patatalsikin gamit ang EDSA 1 anniversary

Bella Cariaso - February 12, 2017 - 12:10 AM

NAKATAKDANG gunitain ang ika-31 anibersaryo ng People Power 1 sa Pebrero 25, 2017 at ngayon pa lamang ay usap-usapan na ang gagawing mga pagkilos na umano’y naglalayong mapatalsik si Pangulong Duterte.

Plano ng mga kritiko ng administrasyon na gamitin ang paggunita ng Edsa 1 para sa malawakang demonstrasyon.

Nakatakda ring magdaos ng apat na araw na vigil mula Pebrero 22 hanggang 25.

Sa kabila naman ng mga pagtatangka ng mga kalaban ng administrasyon na gamitin ang Edsa 1 para isulong ang pagpapaalis kay Duterte, batid naman maging ng mga dilawan na malabo na itong mangyari dahil wala na ang diwa ng Edsa at iniwan na ng bayan.

Hindi kasi lingid sa marami, na tanging mga crony noon ng mga Aquino ang nakinabang at namayagpag pagkatapos ng Edsa People Power.

Dapat nang aminin ng mga kritiko ng administrasyon na wala na ang magic ng People Power kayat hindi na nakakapagtaka kung langawin lamang mga pagkilos mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25.

Nagsawa na ang taongbayan sa mga dilawan at pangako na napako ng Edsa People Power 1.

Sa kabila kasi ng mga isyu na ibinabato kay Duterte, kagaya ng extrajudicial killings, ang pagkakasangkot ng mga pulis sa pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick-joo, at ang P50 milyong bribery scandal sa Bureau of Immigration, mayorya pa rin ng mga Pinoy ang sumusuporta kay Duterte.

Ito’y dahil na rin sa mas mababang kriminalidad sa bansa bunsod ng kampanya ng gobyerno kontra droga.

Hindi man aminin ng mga kritiko, mas ligtas pa rin ang mga kalye ngayon para sa mga ordinaryong mamamayan.

Kayat sa mga promotor ng sinasabing mga pagkilos sa Edsa 1, hindi masamang gunitain ito, ngunit kung ang pakay ay manawagan ng pagpapatalsik kay Duterte, tiyak itong mabibigo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi masamang gunitain ang Edsa 1, wag lang itong haluhaan ng personal na motibo gaya ng plano ng iilan na manawagan para bumaba si Duterte sa puwesto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending