Barangay Ginebra Gin Kings gaganti sa Star Hotshots | Bandera

Barangay Ginebra Gin Kings gaganti sa Star Hotshots

Angelito Oredo |February 11,2017
facebook
share this

Barangay Ginebra Gin Kings gaganti sa Star Hotshots

Angelito Oredo - February 11, 2017 - 12:08 AM

Laro Ngayon (Mall of Asia Arena)
5 p.m. Star vs Barangay Ginebra

PILIT iiwas ang Barangay Ginebra Gin Kings na bumagsak sa dalawang sunod na kabiguan sa pagsagupa nito ngayon sa Star Hotshots sa Game 2 ng kanilang 2017 PBA Philippine Cup best-of-seven semifinals
series ngayong alas-5 ng hapon sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Inaasahang itotodo ng Gin Kings na maitulak sa tig-isang panalo ang serye matapos na malagot ang tatlong sunod nitong panalo sa pagkalasap ng 78-74 kabiguan noong Huwebes kahit na anim na beses nitong nakapitan ang 10 puntos na abante.

Sinandigan ng Hotshots sina Paul Lee at Mark Barroca na nagtala ng 18 at 17 puntos upang agawin ang bentahe sa Barangay Ginebra.

Patuloy na hindi makakasama ng Gin Kings ang injured players nitong sina Greg Slaughter at Joe Devance na nagtamo ng foot injury sa una nitong laban sa quarterfinals kontra Alaska Aces bagaman hindi nangangahulugan na magkukumpiyansa ang Star.

“We expect a much tougher game, will try to see what adjustment that they have will do for the game,” sabi lamang ni Star Hotshot coach Chito Victolero na nasa pitong sunod na winning streak simula sa eliminasyon.

“We just to be ready for everything and stay focus for the game ahead,” sabi pa nito.

Bagaman nakatapos na may 10 points o higit pa sina Japeth Aguilar, Chris Ellis, Jervy Cruz at Sol Mercado, mas ganado pa ang inaasahan sa kanilang performances  lalo’t nabantayan sa last game ang mga babawing sina LA Tenorio at Scottie Thompson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending