Bus sumalpok sa puno: 1 patay, 6 sugatan | Bandera

Bus sumalpok sa puno: 1 patay, 6 sugatan

John Roson - February 10, 2017 - 05:25 PM
albay Nasawi ang 60-anyos na babae habang anim pa katao ang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang bus sa isang puno sa Daraga, Albay, Biyernes ng umaga, ayon sa pulisya. Agad nasawi si Jane Dimaano, residente ng Bacon district, Sorsogon City, at pasahero ng Philtranco Bus (ABG-8685), ayon sa ulat ng Albay provincial police. Sugatan naman ang driver ng bus na Marvin Eva, karelyebo niyang driver na si Garry Dongaol, at apat pang pasahero na pawang mga taga-Sorsogon City, ayon sa ulat. Naganap ang insidente dakong alas-3 sa bahagi ng National Highway na sakop ng Purok 7, Brgy. Penafrancia. Minamaneho ni Eva ang bus patungo sa direksyon ng Sorsogon nang bigla na lang umano mawalan ng kontrol sa manibela, kya sumalpok ang sasakyan sa isang puno ng acacia, ayon sa ulat. Dinala na ang mga sugatan sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City, habang ang nasawi’y nakalagak na sa isang lokal na punerarya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending