Roadworks dapat sa gabi | Bandera

Roadworks dapat sa gabi

Ira Panganiban - February 10, 2017 - 12:10 AM

HINDI ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin maisip ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng mga local government units na hindi dapat ginagawa ang road works, repairs at iba pang gawain sa kalye tuwing rush hour.

Isa sa dahilan kasi nang pagsikip ng daloy ng trapiko ay ang mga pagkumpuni ng mga public installations sa umaga imbes na sa gabi.

Sa gitna ng trapiko makikita natin na merong naghuhukay, nagsesemento o kaya ay nagtatayo ng kung ano-anong istraktura.

Ganitong oras din naghahakot ng basura ang mga lokal na pamahalaan. Ora-de-peligro rin ang schedule ng MMDA na magwalis ng lansangan.

Hindi ba naiisip ng mga otoridad sa trapiko na may mali sa nakasanayang practice na ito? At ito ang dapat nilang ayusin sa kanilang sistema.

Isa rin sa dapat sitahin dito ay ang mga public utilities tulad ng MWSS, Meralco, PLDT at mga negosyo na naglalatag ng kable sa poste o sa ilalim ng kalye.

Ugali rin nila na magkumpuni sa gitna ng ora-de-peligro na wala man lang warning signs at nakakalat pa ang gamit nila.

Iiwanan pa ng mga ito ang kinalikot at tinungkab nilang kalye na sira at walang silbi. Napakabagal pa nila gumalaw na inaabot ng buwan para tapusin ang kanilang trabaho.

Sa ibang bansa ay sa gabi ginagawa ang mga ganitong aktibidad upang makaiwas na maging istorbo sa mamamayang lalabas at magtutungo sa trabaho at eskuwela.

Sinisiguro rin nila na mabilis at maayos ang kanilang trabaho para hindi maging sagabal sa publiko.

Pinakamalaking halimbawa ang lansangan sa Japan na gumuho dahil sa isang malaking sinkhole. Sa loob ng dalawang linggo lamang ay naayos na ito at ngayon ay nagagamit na ng tao ang lansangan na kung ilang araw lang ang nakararaan ay lumikha ng butas na sinlaki ng isang gusali.

Kailan kaya tayo mabibigyan ng ganitong serbisyo?

 

Auto Trivia: Ang “Aurelio” ang kanunaunahang supercar na gawa ng Pilipino. Ito ay gawa ng engineering student na si Kevin Factor katulong ang architect na si Brendan Aurelio noong 2014. Ang makina ng Aurelio ay Mitsubishi 4G63T turbocharged 2.0 o Honda B16A VTEC engine.
Ito ay may bigat na 362 kilos, may lakas na 517 HP at tatakbo sa bilis na 290 kph. Ang Aurelio supercar ay nagkakahalaga ng P2 milyon para sa 1.6L and P3 milyon para sa 3.0L.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May comment o suggestion? Sumulat at ipadala sa [email protected] o kaya ay mag-text sa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending