Kilalang aktres laging hinihiwalayan ng dyowa dahil sa sobrang kaartehan | Bandera

Kilalang aktres laging hinihiwalayan ng dyowa dahil sa sobrang kaartehan

Cristy Fermin - February 10, 2017 - 12:35 AM

BLIND ITEM FEMALE 0903

KUNG kaartehan ang pag-uusapan ay gustong kuning kinatawan ng isang grupo ng mga becki ang isang magandang aktres na sa kanilang palagay ay nagbukas ng bubong ng kanyang bahay nang magpaulan ng kaartehan ang kapalaran.

Nuknukan kuno kasi ng kaartehan ang babaeng ito na ang feeling ay siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ayaw niyang nagpapakabog, kailangan siya ang bumibida sa lahat ng kuwentuhan, palaging siya ang starring at hinding-hindi siya papayag na pang-runner up lang siya.

Nakakaawa naman ang babaeng ito. May korona na nga siya sa kamalditahan ay namakyaw pa siya ng isa. Siya na nga talaga!

“Naku, siya na nga talaga! Kabog niya ang lahat ng mga artista sa kaartehan! Nandu’n na ang mga co-stars niya, pero ayaw pa niyang bumaba sa kanyang car, dahil sobrang pagod na pagod daw kasi siya!
“E, teka lang naman muna. Saan ba siya napapagod, e, wala naman siyang sobra-sobrang trabaho?

Napapagod nga siguro siya, pero hindi sa work, kundi sa pag-iinarte niya!

“Magtigil siya! Super-maarte na siya, e, matindi pa ang insecurity niya! Ayaw niyang nagpapakabog, nakikipagsabayan siya sa mga kasamahan niyang artista!” kuwento ng becki naming source na umay na umay sa ugali ng female personality na super-arte at maldita kuno.

Ang kamalditahan at kaartehang ‘yun daw siguro ang dahilan kung bakit napuno na ang kanyang karelasyon. May kuwento ring umiikot na ‘yun ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng isang businessman na nakarelasyon niya.

“Nakilala lang siya, e, nagkaganyan na ang babaeng ‘yan? Kahit sa mismong probinsiya nila, e, puro pintas ang maririnig mo mula sa mga kababayan niya! Nadala na ba niya sa Manila ang pamilya niya? Waley, dahil ayaw niyang may nakikialam sa mga kaartehan niya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, very rich talaga ang babaeng ‘yan sa korona! Maldita na, e, temaarts pa!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending