Lumalabas ang pagiging wild mo sa taong nanakit sa ‘yo!!! – Maja | Bandera

Lumalabas ang pagiging wild mo sa taong nanakit sa ‘yo!!! – Maja

Julie Bonifacio |February 10,2017
facebook
share this

Lumalabas ang pagiging wild mo sa taong nanakit sa ‘yo!!! – Maja

Julie Bonifacio - February 10, 2017 - 12:10 AM

MAJA SALVADOR

MAJA SALVADOR

PROMISE ng dance princess na si Maja Salvador na magpapaka-wild siya sa bagong teleserye niyang Wildflower sa ABS-CBN. Pero agad niyang nilinaw niya na hindi nangangahulugan na nagpaka-wild na siya physically.

“Hindi porke’t sinabing wild kaseksihan lang. Ang pagiging wild ng emosyon mo, emosyon ng pag-ibig, pagiging wild mo sa taong nanakit sa ‘yo,” paliwanag niya.

Nahiwagaan ang members of the press sa tinuran ni Maja kung paano siya nagiging wild sa mga taong nanakit sa kanya, “Matitikman nila ang maso ko, as Ivy ha? Ha-hahaha!”

Bagaman, tanggap naman ni Maja na may aspetong pisikal kapag sinabing “wild”, meron naman daw elementong ganoon sa Wildflower.

“Pero ibibigay ko yun sa tatlong lalaki,” na ang tinutukoy ay ang co-stars niya sa serye na sina RK Bagatsing, Joseph Marco at Vin Abrenica.

“Ibibigay ko sa kanila. Nasa kanila kung paano nila ako gagawing wild. Hindi, kung paano nila ako paiindakin, parang ganoon.”

Sa dance floor lang daw wild si Maja. Mahusay daw siyang mag-control ng kanyang emosyon.

Sa pagiging solo lead star sa Wildflower, natural lang na may pressure siyang nararamdaman.

“Uhm, ang inisip ko na lang po kahit sinasabing ako ang wildflower siyempre hindi mabubuo ang isang magandang teleserye kung wala kaming kasamang talagang de kalidad at magagaling na artista. Ako po feeling ko hindi ko magagawa ang magagandang eksena ko kung hindi kasama sina Tito Pip (Tirso Cruzz III), si Ms. Aiko (Melendez), pati ‘yung iba kasi sa kanila ko hinuhugot lahat.”

Ang Wildflower ay sa direksiyon ni Onat Diaz sa ilalim ng production unit ni Direk Ruel Bayani. Kaya huwag palampasin ang pagsisimula nito ngayong Lunes (Feb. 13) sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending