Kris nakiusap kay Duterte na wag ipakulong si PNoy | Bandera

Kris nakiusap kay Duterte na wag ipakulong si PNoy

- February 06, 2017 - 07:34 PM

KRIS AQUINO AT RODY DUTERTE

KRIS AQUINO AT RODY DUTERTE

IBINUNYAG ni Pangulong Duterte na tinext siya ni Kris Aquino para hilingin na huwag ipakulong ang kanyang kuya na si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay ng kontrobersiyal na operasyon sa Mamasapano, Maguindano noong 2015 na nagresulta sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).
“Si Kris nagtext, wag mo naman ipakulong si… (Noynoy). Sabi ko kay Kris, I’m not out too.. I just want to know the truth,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati  sa Bureau of Internal Revenue-Large Taxpayers Service Tax Campaign Kick Off sa PICC, Pasay City.
Idinagdag ni Duterte nais lamang niyang masagot ang kanyang katanungan kung bakit hindi ginamit ang mga air assets sa kabila na halos umabot ng isang araw ang bakbakan sa Mamasapano.
“There are so many things to be answered. Bkit hindi hindi kayo gumamit ng air assets to save… yun lang . Wala na akong ibang… Nakakaawa,” ayon pa kay Duterte.
Iginiit ni Duterte na wala siyang intensyon na ipakulong ang mga dating opisyal ng gobyerno dahil sa hindi niya ito mga kaalyado.
“I’m not into the habit of sending to prison the other side of political fence,” sabi pa ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na hindi na muna niya itutuloy ang pagbubuo ng isang komisyon na siyang magsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring operasyon sa Mamasapano habang isinasagawa pa ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon.
“I’m not going ahead with the creation of the commission because of apparently the Ombudsman pending… I idon’t want to have a multiple incongruity, antayin ko na lang,” sabi pa ni Duterte.
Matatandaang idiniin si Aquino ni Duterte sa nangyaring pagpatay sa SAF44 matapos gunitain ang ikalawang anibersaryo ng kanilang pagkamatay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending