Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang dagdag na P1 provisional increase sa pamasahe sa jeepney.
Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra ang pagtataas ng pasahe ay magiging epektibo sa National Capital Region, Region 3 (Central Luzon) at 4 (Southern Tagalog Region).
Ang pagtataas ay bunsod ng petisyon na inihain ng iba’t ibang transport group.
Bukas posibleng maipatupad ang dagdag na pasahe kung saan magiging P8 na ang minimum fare.
Pag-aaralan pa ng LTFRB kung magkano ang halaga ng pasahe na dapat na itaas kaya provisions lamang ang dagdag na P1 na kanilang ibinigay.
Kahapon ay nagsagawa ng tigil pasada ang ilang transport group kaya nahirapan ang mga mananakay.
Nakatakda rin na muling tumaas ang presyo ng diesel na ginagamit ng mga pampasaherong jeepney. Ang presyo nito ay mahigit na sa P31 kada litro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.