HINDI ako nagulat nang sabihin ng pangulo na merong 6,000 tiwaling pulis sa PNP. Ilan dito’y mga ninja cops at generals na hanggang ngayon ay hindi matanggal-tanggal sa serbisyo.
Sabi nga ng pangulo, “corrupt to the core”. At dahil centralized ang PNP, nationwide din ang kanilang ilegal na aktibidad.
Kaya nga’t ang posisyon ko ay ibalik ang sistema ng isang natio-nal police at local police na ngayo’y epektibo sa Amerika at maraming bansa.
Sa London, ang police forces ay responsibilidad ng mayor, pero may roon silang Natio-nal Crime Authority at Territorial Police forces. Sa Amerika, meron silang local police na hawak ng mga mayor pero kapag nagkaproblema ay papasok ang National Guard.
Dito sa atin nasubukan na ang Philippine Constabulary (PC) at Integrated National Police (INP), pero ito’y naabuso naman noong martial law nang mawalan ng poder ang mga mayor sa kanilang pulisya dahil sa “natio-nal security issues” kuno.
Ngayon, ang dapat talaga ay umiral ang “democratic check and balance” sa mga pulis at local officials sa bawat lugar ng bansa. Ang local police ang hahawak ng mga nakawan, holdups at mga petty crimes. Ang National police naman ang hahawak sa mga trans-border na krimen tulad ng illegal drugs at iba pa.
Hindi pwedeng mag-abuso ang pulis dahil sisitahin sila ni mayor. Kung abusado ang alkalde, ibabasura siya sa eleksyon ng kanyang constituents.
Kung nagkuntsaba ang mayor at naging private army niya ang pulis, diyan papasok ang PC na bers-yon natin ng “National Guard” ng Amerika.
Ngayon, kapag nagkampihan ang mga SPO1 hanggang sa kanilang general, walang “sisita” lalo na kung kakampi nila ang PNP chief. At dahil, nationwide ang PNP, nakakapagbigay proteksyon sila sa mga sindikato nang hindi nalalaman ng mga local officials. Kaya sila naging “corrupt to the core”.
Dito naman sa NBI, kagulat-gulat na “patong” pala ang mga abugadong opisyal dito sa maraming sindikato sa bansa. Pati kidnap-for-ransom, human trafficking, illegal drugs, robbery extortion, Korean Mafia ay sangkot din sila, gayong puro abugado silang lahat. Kung sabagay ang sumabit na si Col. Rafael Dumlao ng PNP ay abugado rin.
Kung merong “ma-tics” sa PNP tulad ng jueteng payola at illegal drugs, aba’y rito sa NBI ay “matics” din sa “human trafficking”, smuggling, at iba pang katiwalian ang kalakaran. At ang masakit puro NBI regional directors ang kasangkot.
Matataas ang mga posisyon, mga abugado, pero corruption pala ang inaatupag. Ilan na ba ang namatay sa barilan sa loob ng NBI dahil sa away pera at proteksyon sa kliyente? Mga director nito nasangkot pa sa ambush?
Naalala ko tuloy, hindi ba’t 10 regional directors din ng LTFRB ay nagsipag-resign dahil nasangkot sa mga pekeng prangkisa pero nakapasok sa LTO Database computer? Kung kelan tumaas ang mga posisyon at sweldo ng mga regional directors na ito, at saka sila naging mas corrupt.
Igigiit kong muli. Una, dapat ibakante muna ang lahat ng matataas na posisyon sa PNP at sa NBI. Ito’y u-pang malinis ang hanay ng PNP at NBI sa mga tiwali at abusadong opisyal.
Ikalawa, isabatas na ang “one local police-one national police” system.
Ngayon na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.