Baste kay Duterte: Chill lang pa, hiwalay na kami ni Ellen!
SINAGOT ng presidential son na si Baste Duterte ang mga naging pahayag ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa naging relasyon nila ni Ellen Adarna.
“I really love being his favorite son. Chill lang Pa. Bulag na mi december pa, nakalimot lang ka giingnan taka atong new year naa ta sa balay ni mama,” ang ipinost na mensahe ni Baste sa kanyang Facebook account para kay P-Digong.
(Translation: ‘Hiwalay na kami December pa, nalimutan mo lang na sinabihan kita noong New Year noong nasa bahay tayo ni mama!’)
Bukod dito, inamin din ni Baste na never silang naghiwalay ng kanyang partner na si Kate Necesario.
Sabi ng binatang ama sa kanyang FB post, “Wala mi nagbulag ni kate. Mao tong isa wa kaantos sige kog awayun maong ning batsi ko ato niya!”
(Translation: ‘Hindi kami nag-break ni Kate, kaya yung isa hindi nakatiis lagi ako inaaway kaya lumayo ako sa kanya’)
Ito’y matapos ngang magsalita si Duterte sa isang event sa Davao kamakailan kung saan pinagalitan niya ang kanyang bunsong anak.
Sa kanyang speech sinabi ni Duterte na hindi na raw nabibigyan ni Baste nang sapat na oras ang kanyang pamilya, lalo na ang anak nito.
“Ang isang bunso, isa pa ring tarantado. Hindi na umuuwi ng bahay. Sige lang doon kay Adarna,” ang sabi ng presidente habang tumatawa ang manonood.
Obviously ang tinutukoy ni Duterte na Adarna sa kanyang speech ay ang ex-girlfriend ni Baste na si Ellen na umamin na ngang hiwalay na sila ng binata bago pa mag-Bagong Taon.
Hirit pa ni Digong, “Tinanong ko iyong apo ko, eh. Kaya ko kinuha, nilagay ko sa bahay na maliit, iyong katabi lang din ng bahay ko, ‘Sinong mahal mo? Papa mo at pati mama mo?’ ‘Mama lang.’ It’s a tragedy. Magsagot ang bata ng ganoon.”
Pero umamin ang pangulo na siya man daw ay hindi naging close sa kanyang tatay noong nabubuhay pa ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.