Hospital nasabugan ng IED | Bandera

Hospital nasabugan ng IED

John Roson - February 03, 2017 - 06:19 PM
basilan Nasabugan ng hinihinalang improvised na bomba ang isang ospital sa Lamitan City, Basilan, Huwebes ng gabi, ngunit walang naiulat na nasugatan, ayon sa militar. Sumabog ang hinihinalang IED sa bubong ng isang gusali sa compound ng Edibora Yap Memorial Hospital sa Brgy. Limook dakong alas-9:15, sabi ni Lt. Col. Benedicto Manquiquis, public affairs officer ng Army 1st Infantry Division. Napinsala ang bubong, pero walang naiulat na nasugatan dahil generator lang umano ang laman ng gusali, aniya. Agad nagtungo ang mga miyembro ng Army Special Forces, Scout Rangers, at pulisya sa pinangyarihan nang matunugan ang insidente, at nakatagpo ng mga shrapnel, ani Manquiquis. Naganap ang insidente apat na araw lang matapos masawi ang dalawang bata at masugatan ang tatlo pa katao sa pagsabog ng isang IED sa bayan ng Al Barka, doon din sa Basilan, noong Enero 29. Isa pang pagsabog ang naganap sa Al Barka noong Disyembre 2, kung saan dalawa pang bata ang nasawi at dalawa ang nasugatan. Una nang inihayag ng militar na ang mga pagsabog sa Al Barka ay dulot ng mga IED na tinanim ng Abu Sayyaf sa gilid ng mga kalsada para manakot ng mga residenteng di nakikisimpatya sa grupo. Inaalam pa ng mga lokal na awtoridad kung sinong nasa likod ng pagsabog sa Lamitan, ani Manquiquis. May isinasagawang operasyon ang mga kawal laban sa Abu Sayyaf sa Basilan, ayon sa Armed Forces.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending