Huling playoff spot pag-aagawan | Bandera

Huling playoff spot pag-aagawan

Angelito Oredo - February 03, 2017 - 12:05 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Blackwater vs Rain or Shine

ISA ang magpapaalam at isa ang uusad sa playoff  round ng 2017 PBA Philippine Cup.

Magsasalpukan ngayong alas-7 ng gabi ang Blackwater Elite at Rain or Shine Elasto Painters sa Smart Araneta Coliseum para sa natitirang silya sa  quarterfinals.

Sa dalawang koponang ito na parehong nagtapos na may 5-6 baraha sa elims ay tila dehado ang Blackwater na  pilit na aalisin ang   nakakapit na sumpa sa nakalipas nitong pitong kumperensiya sa PBA. Ang Elite ang isa sa dalawang koponan na hindi pa tinatalo ang Elasto Painters.

Kaya naman atat na atat ang Blackwater na  tuluyang makatakas sa anino ng Rain or Shine lalo pa’t isang knockout game ito para sa   huling quarterfinals berth.

“Grab this opportunity to play in a knockout match and barge into the quarterfinals,” sabi ni Elite coach Leandro ‘Leo’ Isaac.

Kapwa may losing streak ang Blackwater at Rain or Shine papasok sa larong ito kaya isa sa kanila ang tiyak na mapuputol ito at isa ang mananatiling may losing skid.

Ang Blackwater ay galing sa   back-to-back na kabiguan na ang huli ay noong Enero 25 kontra Star Hotshots, 111-95, habang ang Elasto Painters ay may apat na sunod na pagkabigo na ang pinakahuli ay noong Miyerkules ng gabi laban sa Alaska Aces, 94-89.

Kung nagwagi lang ang Rain or Shine sa larong iyon kontra Alaska ay agad na itong papasok sa playoff at hindi na kakailanganin pa ng isang  rubber match ngayon.

Ang magwawagi sa pagitan ng Elite at Elasto Painters ay makakasagupa sa quarterfinals ang two-time defending champion San Miguel Beermen na may twice-to-beat advantage matapos na pangunahan ang eliminasyon na may 10-1 kartada.

“Energy and mental focus will be a big factor in order for us to win against Rain or Shine,” sabi ni Isaac, na hangad ang ikalawa nitong quarterfinals stint matapos noong 2015-16 Philippine Cup kung saan agad itong pinatalsik sa isang laro lamang ng Elasto Painters.

Bagaman hindi ito nakalasap ng panalo nitong nakaraang  tatlong linggo  ay optimistiko pa rin ang Rain or Shine na patuloy na madodomina nito ang Blackwater.

“We remain to be positive despite the situations weve been through,” sabi ni Rain or Shine coach Carlos ‘Caloy’ Garcia na layuning makaulit sa   107-93 pagwawagi nito sa elims kontra Elite at makamartsa sa Last 8 sa unang pagkakataon sa post-Yeng Guiao era.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We have to come out with the same energy and we have to learn to finish games better. We don’t want to put any excuses on how we lost but we just have to see the positives on what we are doing right,” sabi pa ni Garcia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending