Teleserye nina Alden at Maine sa GMA 7 ihahabol sa bisperas ng Valentine’s Day
INAAPURA na ang premiere episodes ng Alden Richards at Maine Mendoza launching series na Destined To Be Yours. Valentine offering kasi ito ng GMA 7, ang target pilot daw ay sa Feb. 13.
Sa Dolores, Quezon ang location nina Alden at Maine kaya naman madalas na wala sila sa Eat Bulaga. Kailangan ding busisiin ang bawat episodes dahil marami na ang nag-aabang sa unang series sa primetime ng AlDub loveteam.
Pero ayon sa nakasilip sa mga eksenang unang nakunan, very impressive daw ang pagkakagawa ng director na si Irene Villamor. Maging ang mga eksena nina Alden at Meng ay nakakatuwa at punumpuno ng kilig, huh!
Kumbaga, worth the wait ang DTBY kaya siguradong magbubunyi ang AlDub Nation once mapanood nila ito. Kaya nga ngayon pa lang ay siguradong nanginginig na ang mga taong nasa likod ng tatapatan nilang programa sa kalabang network.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.