Bagong pelikula ng AlDub ipalalabas ngayong 2017 pero di isasali sa MMFF | Bandera

Bagong pelikula ng AlDub ipalalabas ngayong 2017 pero di isasali sa MMFF

Ervin Santiago |January 31,2017
facebook
share this

Bagong pelikula ng AlDub ipalalabas ngayong 2017 pero di isasali sa MMFF

Ervin Santiago - January 31, 2017 - 12:05 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

TULOY na ang follow-up movie nina Alden Richards at Maine Mendoza ngayong 2017.

Ito ang kinumpirma ng manager ni Maine na si Mr. Tony Tuviera nang makausap ng ilang miyembro ng entertainment editors kamakailan sa kanyang pa-thanksgiving.

Excited na rin daw si Mr. Tuviera sa pagbabalik ng AlDub sa big screen. Siyempre, isang malaking good news na naman ito para sa AlDub Nation na walang sawa sa pagsuporta sa phenomenal loveteam.

Ayon kay Mr. T, ang tunay na henyo sa likod ng longest running noontime show sa buong universe at ang big boss ng APT Entertainment, nasa planning stage na ang second movie nina Alden at Maine pero hindi pa siya makapagbigay ng detalye tungkol sa magiging tema nito.

Ito ang magsisilbing follow-up movie nina Alden at Maine pagkatapos ng very successful at blockbuster hit project nilang “Imagine You And Me” last year.

Pahayag pa ng producer-talent manager sisiguruhin nilang mas magiging bonggang-bongga ang second movie ng AlDub para sa kanilang milyun-milyong supporters all over the universe.

Pero nilinaw agad ni Mr. Tuviera na hindi ito pang-Metro Manila Film Festival tulad ng napabalita sa social media.

“Kasi may ruling na kami tungkol diyan, kapag may pelikula si Vic (Sotto) sa filmfest hindi kakalabanin o tatapatan ng APT. Kaya ang nangyayari, co-production, kasi si Vic talagang pang-filmfest yung mga ginagawa niya,” paliwanang ni Mr. T.

Sey pa ng tumatayong manager nina Maine, Marian Rivera at Kris Aquino, posible pa rin silang gumawa ni Bossing ng pelikula para sa MMFF 2017.

“Ang mahirap lang kasi ngayon, gagawa ka ng entry, gagastos ka ng malaki pero hindi mo alam kung makakapasok, hindi mo alam kung kailan maipapalabas,” paliwanag ng producer ng Eat Bulaga.

Samantala, wala pa ring kasiguraduhan kung muling mapapanood si Kris Aquino sa telebisyon ngayong taon. Ayon kay Mr. Tuviera hindi pa nila uli napag-uusapan ni Kris ang tungkol dito, “Ang arrangement kasi namin ni Kris ay sa digital lang muna, wala pang TV.”

Sabi ng mga bossing ng TV5 open naman sila kung sakaling gusto ni Kris na gumawa ng show sa Kapatid Network. Pero sey ni Mr. T, “Madali naman sabihin na open sila for a partnership pero nakakatakot naman, what if kung hindi pumalo? Maraming tatamaan.

“Kaya as much as possible kailangan sigurado ka sa gagawin mo. Kung hindi ka sure, tatamaan si Kris, tatamaan kami,” esplika pa ng matagumpay na producer-manager na isa sa mga napiling indibidwal para sa People of the Year 2016 ng PeopleAsia sa mundo ng entertainment.

Para naman sa mga loyal DongYan fans, isang good news din ang ibinalita ni Mr. Tuviera. Tuloy na tuloy na ang pagbabalik ni Marian Rivera sa primetime.

Surprise pa raw kung ano ang inihahanda ng GMA 7 para sa Kapuso Primetime Queen, pero siguradong ikatutuwa raw ito ng kanyang mga fans na walang tigil sa kare-request na bigyan na ang misis ni

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dingdong Dantes ng bagong primetime show.
Regular pa ring napapanood pa rin si Marian sa Sunday PinaSaya ng GMA kasama sina Alden, Wally Bayola, Jose Manalo, Valeen Montenegro, Barbie Forteza at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending