Luis walang pagod sa pagtatrabaho, inspirado dahil kay Jessy | Bandera

Luis walang pagod sa pagtatrabaho, inspirado dahil kay Jessy

Cristy Fermin - January 30, 2017 - 12:01 AM

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

ANG nagagawa nga naman ng pag-ibig. Talagang makapangyarihan ang pagmamahal. Walang kapaguran ang umiibig at iniibig, para lang siyang naglalaro habang nagtatrabaho, kasi nga ay meron siyang inspirasyon.

Ganu’n ang tingin namin kay Luis Manzano na nakasama namin sa selebrasyon ng Chinese New Year ng pamilya ng La Campana na mahal namin. Siya ang nag-host ng party, dalawang entablado ang inaakyatan niya, pero walang kapaguran ang panganay ng Star For All Seasons.

Wala rin siyang kaa-ngasan, pinagbibigyan niya ang lahat ng mga bisitang nakikipag-picture taking sa kanya, nakikita namin kay Luis ang napakagandang PR ng kanyang amang si Edu Manzano.

Ang inspirasyong ibinibigay sa kanya ni Jessy Mendiola ang hawak na energy ni Luis Manzano, ibang-iba ang kanyang aura, kahit yata magdamag at maghapon siyang magtrabaho ay kakayanin niya dahil sa pagmamahalan nila ni Jessy Mendiola.

Maraming-maraming salamat sa imbitasyon ng Wongchuking Foundation para maging bahagi kami ng pagsalubong nila sa Year Of The Fire Rooster. Napakasaya ng selebrasyon na siyempre’y hindi mawawala ang dragon dance.

Pasasalamat ang gusto naming ipaabot kay Mommy Nelia na sa edad na otsenta ay masigla pa ring nagpapatakbo ng kanilang negosyo. Salamat din kina Tito Alex “Sky” King, Tito Cesar, Tita Mayette at sa iba pa nilang mga kapatid na napakalaki ng respeto sa mundo ng showbiz.

Parehas silang tumrato sa kanilang mga manggagawa, inaalagaan ng La Campana ang kanilang staff, kaya naman anuman ang gawing hakbang ng kanilang mga katunggali sa negosyo ay walang magawa ang mga ito.

At maraming-maraming salamat sa aming anak-anakang si James Vincent Navarrete at sa aming matatalino at bibong mga apo na sina Mighty, Chelsea, King at Marvels na hindi mawawala sa kanilang posisyon bilang numero uno sa lahat ng klase ng laban.

Maraming-maraming salamat po!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending