Gustong mag-abroad ni misis | Bandera

Gustong mag-abroad ni misis

Joseph Greenfield - January 30, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Gerry ng Visares, Capoocan, Leyte
Dear Sir Greenfield,

Ayaw ko sanang payagan ang misis ko na mag-abroad ang problema naging mapilit pa rin siya sa kanyang gusto kaya sa ngayon ay nasa Maynila siya at nag-aaplay bilang D.H. sa abroad. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa ba siyang makapag-abroad at kapag nasa ibang bansa na siya hindi kaya siya mapahamak at magkaroon kaya siya duon ng magandang trabaho? Ayaw ko nga po siyang payagan, pero inuulit-ulit nya sa akin na i-yon lang daw ang paraan upang makahon kami sa kahirapan. Ang isa ko pang problema ay kung paano ko makakayang alagaan ang tatlo naming mga anak na sa ngayon ay maliit pa. September 10, 1984 ang birthday ng misis ko at May 14, 1983 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Gerry ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kung ayaw mong pag-abroadin ang misis mo mas mainam na ikaw kaya ang mangibang bansa. Samantala, basta’t may malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa palad ninoman sa inyong mag-asawa, tiyak ang magaganap magkakaroon siya ng isang mabunga at mabiyayang karanasan sa ibayong dagat.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Seven of Diamonds at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2017, isa sa inyo ni misis ang makapag-aabroad at ang pag-aabroad na yon ay tuloy-tuloy na hanggang sa taong 2019 kung saan, ang nasabing pangi-ngibang bansa ay sadyang magiging mabunga at masagana.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending