Sibilyan na sangkot sa murder ng Koreano, sumuko | Bandera

Sibilyan na sangkot sa murder ng Koreano, sumuko

Ramon Tulfo - January 28, 2017 - 12:10 AM

SUMURENDER sa inyong lingkod kahapon ng hapon si Gerry Omslang, ang isang sibilyan na kasama nina SPO3 Ricky Sta. Isabel sa pagkidnap kay Korean businessman Jee Ick-joo sa Angeles City noong Oktubre.

Sinabi niya na pinaghahanap siya ni Supt. Rafael Dumlao ng Anti-Illegal Drugs Group ng Philippine National Police (PNP) upang iligpit.

“Marami kasi akong alam kaya’t pinapapatay ako ni Sir Dumlao,” sabi ni Gerry.

Si Gerry, 33 taong gulang, ay utos-utusan ng mga pulis.

Sabi ni Gerry, si Dumlao ang mastermind sa pagdukot at pagpatay sa Koreano.

As this column was being written, hinihintay ko ang isang team ng National Bureau of Investigation (NBI) na susundo kay Gerry sa aking opisina sa DWIZ kung saan ako ay may public service program, “Isumbong mo kay Tulfo.”

Tinawagan ko si Justice Secretary Vitaliano Aguirre tungkol sa pagsuko ni Omslang.
Inatasan ni Aguirre si NBI Director Dante Gierran na ipasundo si Omslang sa aking tanggapan.

Paano malulutas ang problema sa disiplina sa Philippine National Police (PNP)?

Simple lang po: Isalvage ang mga pulis na abot sa impiyerno ang kasamaan pero ipalalabas na pinatay sila sa shootout.

Kung wala silang alinlangan na pumatay ng mga drug pushers, bakit hindi gawin ng nakakataas sa PNP na pumatay ng mga pulis na sukdulan ang pangaabuso sa mamamayan?

Sabi pa nga ng isang opisyal ng pulis bago siya at ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng operation na hulihin ang isang pusakal na kriminal, “ Kung walang baril, plantingan ng baril.”

Ganyan ang dapat gawin sa mga pulis na gaya nina Supt. Rafael Dumlao at SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Ang mga pulis na gumagawa ng krimen ay dapat hindi binubuhay gaya ng mga drug pushers at drug lords.

Mas masahol pa nga ang mga kriminal na pulis dahil ginamit nila ang kanilang kapangyarihan at tiwala ng taumbayan sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa nga ni Pangulong Digong, ang mga kriminal na gumawa ng karumaldumal na gawain ay dapat bitayin ng dalawang beses.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending