Enchong Dee gaganap na drug addict sa MMK | Bandera

Enchong Dee gaganap na drug addict sa MMK

Ervin Santiago - January 27, 2017 - 12:20 AM

LARA QUIGAMAN, TONTON GUTIERREZ, ENCHONG DEE

LARA QUIGAMAN, TONTON GUTIERREZ, ENCHONG DEE

SIGURADONG ikagugulat ng mga fans ni Enchong Dee ang mapapanood nila ngayong Sabado ng gabi sa Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos sa ABS-CBN.

Gaganap si Enchong na isang drug addict na buong tapang na ibinahagi ang kanyang masalimuot na pinagdaanan habang nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot at kung paano siya nakakawala mula sa rehas ng pagkalulong.

Nagsimula ang adiksyon ni Jeck nang ginamit niya ang droga at alak para takasan ang kalungkutang nararamdaman simula ng umalis ang kanyang mga magulang para magtrabaho sa Estado Unidos.

Nakarating sa kanyang ama at ina (Tonton Gutierrez at Lara Quigaman) ang pagkalulong niya sa bisyo, kaya agad nilang pinapunta si Jeck, kasama ang kanyang mga kapatid, sa California nang sa gayon ay mabantayan nila ito nang maigi.

Noong una ay masaya si Jeck sa kanyang bagong buhay sa US. Ngunit kalauna’y muli na naman siyang bumalik sa droga at alak na humantong pa sa pagnanakaw at panloloko gamit ang credit cards para lang mapabigyan ang kanyang adiksyon.

Labas-masok si Jeck sa kulungan, hanggang sa nagpasya itong bumalik na lang sa Pilipinas. Sa kanyang pag-uwi, hindi pa rin niya maiwan ang droga kaya naman sa edad 30, wala na siyang pera o tirahan.

Paano bumangon si Jeck? Ano ang kayang gawin ng kanyang pamilya mailigtas lang ang buhay niya?

Makakasama Rin sa MMK episode na ito sina CX Navarro, Michelle Vito, Cessa Moncera, Andre Garcia, Karla Pambid, Kiko Matos, Kokoy De Santos, Joshua Colet at Crispin Pineda, sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat nina Arah Badayos at Joan Habana.

Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou Santos. Napapanood pa rin ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD. – EAS

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending