Derek sa nanlalait kay Maxine: Tigilan n’yo na ang pamba-bash!
NAKAKUHA pa ng kakampi ang ating Bb. Pilipinas-Universe na si Maxine Medina sa katauhan ng hunk actor na si Derek Ramsay.
Talagang buong-tapang na binatikos ni Derek ang ilang Pinoy netizens na walang tigil sa pamba-bash kay Maxine, partikular na sa pagsasalita nito ng English. Ayon kay Derek, hindi naman tamang tayo pang mga Pilipino ang bumabatikos kay Maxine sa halip na palakasin ang loob ng dalaga.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktor ng litrato ni Maxine na may caption na: “Stop the bashing! We should be proud of this beautiful and accomplished Filipina. Good luck @maxine_medina!”
Dagdag pa ni Derek, sana’y ibigay na lang ng sambayanang Pinoy kay Maxine ang 100 percent support para mas maramdaman niya na ang pagmamahal ng kanyang mga kababayan. Naniniwala siya na kahit paano’y nakakaapekto sa dalaga ang mga pambabatikos sa kanya ng mga netizens.
Kahapon, nakasama ni Derek si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa ginanap na 65th Miss Universe Preliminary Show sa MOA Arena.
Samantala, umaasa naman ang pamilya, mga kaibigan at tagasuporta ni Maxine na makakapasok ito sa Top 12 sa pamamagitan ng pagboto ng mga Pinoy sa internet. Automatic na makaka-join sa Top 12 finalist ang kandidatang makakakuha ng pinakamataas na boto mula sa social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.