My Dear Heart nina Zanjoe, Bela at Coney waging-wagi agad sa rating | Bandera

My Dear Heart nina Zanjoe, Bela at Coney waging-wagi agad sa rating

- January 26, 2017 - 12:25 AM

zanjoe marudo at bela padilla

KASISIMULA pa lang ng bagong family drama sa ABS-CBN Primetimebida na My Dear Heart na pinagbibidahan ng bagong child star na si Heart Ramos ay panalo agad ito sa national TV rating. Tinutukan ng madlang pipol ang pilot episode nito last Monday.

Dahil nga sa mainit na pagtanggap ng mga manonood, nagkamit ang serye ng national TV rating na 29.2%, ayon sa datos ng Kantar Media. Umani rin ng libu-libong tweets ang official hashtag ng serye na #MyDearHeartAngSimula at napasama sa listahan ng trending topics sa Twitter.

Sa unang episode ng programa, nakilala ng mga manonood si Dra. Margaret Divinagracia (Coney Reyes), ang pinakamagaling na heart surgeon sa bansa. Natunghayan din ang pagkakaugnay niya kay Jude (Zanjoe Marudo), ang nobyo at nakabuntis sa anak niyang si Gia (Ria Atayde).

Dahil nga sa pagkakabuntis ng anak, isinisi ni Margaret ang lahat kay Jude at inalis ang kanyang scholarship upang pahirapan ang buhay nito. Ngunit sa kabila ng hirap, isang biyaya ang dumating kay Jude nang makuha ang sanggol matapos iwan ng isang babaeng miyembro ng sindikato.

Anong pagbabago ang madadala ng sanggol sa buhay ni Jude? Handa na nga ba siya harapin ang responsibilidad ng pagiging isang ama?

Huwag palampasin ang teleseryeng magpapaalala sa bawat Pinoy kung paano magmahal nang tunay at walang kapalit, ang My Dear Heart, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (Skycable 167).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending