Alex: Mukha akong labandera, puwede rin akong supermodel! | Bandera

Alex: Mukha akong labandera, puwede rin akong supermodel!

Reggee Bonoan - January 26, 2017 - 12:20 AM

alessandra de rossi

NARITO ang ikalawang bahagi ng one-on-one interview namin sa award-winning actress na si Alessandra de Rossi na muling hinangaan ng manonood sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang nanay ni Onyok.

Marami nang nagawang indie movies si Alessandra at sinabi nga niya sa amin na totoong hindi naman ganu’n kalaki ang ibinabayad sa kanila ng mga indie producers pero iba raw ang feeling kapag nagagawa siya ng makahulugang pelikula.

Ayon kay Alex, never pa naman daw siyang natakbuhan ng indie producers dahil lahat naman daw ay nagbabayad.

“May iba nagda-down kaagad, ‘yung iba every four days sasabihin, ‘O, Lex ito na ‘yung next downpayment muna. Like 25% muna, then another 25%. Meron naman buo agad, meron naman after the movie,” pahayag nito.

Mahal ba ang talent fee ng isang Alessandra de Rossi na multi-awarded actress na here and abroad?

“No!” mabilis niyang sabi. “Kaya nga marami akong indie films kasi hindi ako mahal. Kakulay ko ang Pilipina, kahit paano naman, mukha lang naman akong labandera kung kailangan, puwede rin naman akong super-model kung gusto n’yo. Mababa ang budget ko, hindi ako mahal maningil,” kuwento pa sa amin ng dalaga.

Si Direk Manny Valera ang manager ni Alessandra sa loob ng 16 years at kalilipat lang niya sa Cornerstone Talent Management ni Erickson Raymundo. Nakagugulat na sa halos kalahati ng buhay ng dalaga ay nasa pangangalaga siya ng DVM management, bakit siya lumipat?

“Kumbaga sa bata, magulang ko siya (direk Manny), darating ‘yung point na after college gusto mo ng bumukod, not because may problema ka sa kanila, just because gusto mong tingnan kung anong kaya mong gawin for yourself or may ibang taong kayang gawin for you.

“Half of my life, siya ang may hawak sa akin, pero hindi naman kuwestiyon ng utang na loob I think, walang ganu’n. Bata na kailangang kumawala and to see kung ano pa ang puwede niyang gawin,” esplikang mabuti ni Alex.

Ano naman ang inihain ng Cornerstone ni Erickson? “It’s the home of the country’s finest singers, of course I’ll be there, choz!” tumawang sabi ng aktres.

Gusto mong maging singer? “Joke lang! Marami silang plano, marami silang pangarap, maganda kasi sila rin ang nag-produce (Spring Films) ng ‘Kita Na Kita’, movie namin ni Empoy, magandang nandiyan ang Cornerstone sa growth ko, na gusto kong magsulat (ng script) at magdirek, makakatulong ang Cornerstone sa pangarap ko. Hawak nila sina direk Joyce Bernal at direk Tonette Jadaone, I can be the next, you know! Ha-hahaha! Just kidding!” sabi ng aktres.

Pagpapatuloy niya, “Marami na akong nasulat na script na honestly, gusto ko lang munang makita ‘yung response ng ‘Kung Sakaling Hindi Makarating’ at ‘Kita Na Kita’, bago ako gumawa (ng final script), kasi kung hindi maganda, hindi ko gagawin or ipapasa ko sa iba,” say ni Alex.

At tungkol sa pagdidirek, “Gusto kong magdirek kasi darating ka sa point na minsan, ayaw mo na sa harapan ng kamera kasi ayaw kong magpa-botox, ayoko namang one-day na ‘yung mga kaedad kong artista ay magiging anak ko na kasi sila naka-botox ako hindi.

Hindi kasi ako ganu’n, I want to grow old, naturally. Darating talaga tayo diyan na gusto mo nasa likod ka na lang ng camera,” aniya pa.

q q q

Madaldal si Alessandra at matalino, bakit hindi niya subukan ang maging TV host? “Mahirap kaya maging TV host, masyadong personal para sa akin kasi pine-present mo ang sarili mo sa TV as yourself, instead na lumalabas ka sa TV as character, mahirap maging host, masyadong malaki ang responsibility,” anang dalaga.

Going 17 years na si Alessandra sa showbiz pero hindi pa siya superstar o masasabing super sikat dahil, “Hindi ko naman pinangarap na sumikat, gusto ko lang magtrabaho, gusto ko lang may naibibigay ako sa pamilya ko at nababayaran ko ang bills ko.

“May isang artista nga kinausap niya ako, sobrang sikat na sikat na niya, sabi niya, feeling niya I deserve more than I have dahil magaling ako, ganito, ganyan. Siya sikat at sabay kaming nag-start. Siya nandoon na sa taas, tapos ako nandito. Kung saan ako nag-start, nandoon pa rin, hanggang ngayon. Sabi ko, ‘You know what, I think I deserve more than I deserve.

“Sa totoo lang, masaya na ako, wala naman akong hinihingi ng iba, huwag mo lang ako pagagawin ng hindi ko gusto, ayoko lang talaga ng kissing scene, pero puwedeng smack sa wedding, kasi kailangan siyang gawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pag may sobrang gandang role, kailangan kong mabasa muna ang script, kung hindi mo ipababasa sa akin ang script, magkakaproblema tayo,” sabi ni Alex.

Samantala, ipalalabas na ang isa sa indie films na natapos ni Alessandra, ang “Sakaling Hindi Makarating” kung saan kasama niya sina Pepe Herrera at JC Santos na isinama sa CineFilipino Film Festival na idinirek ni Hannah Espia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending