Angeles City police chief sibak‎ | Bandera

Angeles City police chief sibak‎

John Roson - January 25, 2017 - 04:29 PM
pnp Sinibak sa puwesto ang hepe ng pulisya sa Angeles City, Pampanga, kaugnay ng pagkasangkot ng kanyang mga tauhan sa umano’y pagnanakaw at pangingikil sa tatlong Korean national.‎

Tinanggal bilang hepe ng pulisya sa lungsod si Senior Supt. Sidney Villaflor, na pinalitan ni Senior Supt. Jose Hidalgo, sabi ni Central Luzon regional police director Chief Supt. Aaron Aquino sa isang text message.

Una nang tinanggal sa puwesto ang pitong tauhan at ang commander ng Angeles City Police Station 5.‎

Nag-ugat ang sibakan sa umano’y kinalaman ng pitong pulis sa pagnanakaw at pangingikil umano sa tatlong Korean national noong Disyembre 30.‎

Inakusahan ang mga Koreano na may kinalaman sa iligal na online gaming, pero nang walang makuhang ebidensya ang mga pulis ay tinangay ng mga ito ang ilang gamit ng mga banyaga at hiningan pa sila ng P200,000, ayon kay PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa.

Dinisarmahan at isinailalim na sa restrictive custody ang pito, habang ang pagsibak sa station commander ay bunsod ng doktrina ng command responsibility, ayon sa PNP chief. (John Roson)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending