Racal Tile Masters dinurog ang Blustar Dragons | Bandera

Racal Tile Masters dinurog ang Blustar Dragons

Angelito Oredo - January 23, 2017 - 11:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
3 p.m. JRU vs Blustar
5 p.m. Cignal vs AMA

SINANDIGAN ng Racal ang malawak na karanasan upang itala ang 51 puntos na abanteng pagwawagi sa pagbigo sa Blustar Detergent, 109-58, Lunes sa ginaganap na 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Maagang umatake si Rey Nambatac sa pagtala ng anim sa kanyang 16 na puntos sa unang yugto nang itala ng Tile Masters ang maagang 25-8 bentahe. Mayroon din itong siyam na rebounds at tatlong assists bago na lamang tumulong ang  ibang miyembro ng koponan para palasapin ng masaklap na kabiguan ang nakatapat na Dragons.

Nagawa pa ng Racal iangat ang abante nito sa 53 puntos, 109-56, mula sa isang tres ni Sidney Onwubere malapit nang matapos ang laro.

Bagaman naging dominante ang Tile Masters sa laro, hinahanap pa rin ni coach Jerry Codiñera ang tamang timplada ng koponan.

“Hindi pa evident ‘yung chemistry ng team. Hinahanap pa namin ‘yung right combination,” sabi ni Codiñera.

Nagdagdag si Donald Gumaru ng 14 puntos mula sa 4-of-5 shooting clip sa tres habang si Onwubere ay may double-double na 12 puntos at 10 boards. Nag-ambag din si Lervin Flores ng 11 puntos at 12 rebounds, si Roider Cabrera ay may 11 puntos at ang nagbabalik na si Allan Mangahas ay may 10 puntos at apat na assists para sa Racal.

Pinamunuan ni Heng Yee Tong ang Blustar na may 16 puntos habang si Mak Long Seng ay may 11 puntos at 13 rebounds para sa Dragons.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending