Paulo bilib na bilib sa bagong dubsmash viral video ni Maine
NAGSUNURAN ang ilang celebrities at netizens kay Maine Mendoza sa inilabas niyang “Nung ako’y bata pa” video na umabot na na sa humigit-kumulang 6 million views.
Ginaya ni Meng kasama ang lalaking kapatid ‘yung dalawang batang magkapatid na original na gumawa ng video.
Bully ang batang lalaki na inasar ang kapatid na babae habang nagpu-post ng video sa Facebook.
Kinopya ni Maine ang hitsura ng batang babae habang ang nam-bully sa kanya ay ang lalaking kapatid!
May version na rin ng video sina Ruru Madrid at Atak. Pumapel na nanay si Boobay kahit sa orig na video eh, boses lang ng madir ang narinig. Aba, 1 million views naman ang nahamig nito mula sa mga netizen, huh!
May nakita kaming re-post ng fan ni Maine. Ito ‘yung paghanga rin ni Paulo Avelino sa pag-dubsmash ni Meng sa video. Mula ito sa @ndf_intl_ofc. “Impressive talaga ang pag-dubsmash ni Maine Mendoza ng ‘nu’ng ako’y bata pa.’ Uwian na. Panalo na!”
Nag-share naman nito ang kapatid ni Alden Richards. Si Gabby Concepcion, ginaya ang pose ng batang lalaki. Na-miss talaga ng netizens ang pagiging Dubsmash Queen ni Maine, huh!
Speaking of Boobay, yes, balik-work na uli ang TV host-comedian matapos ang halos dalawang buwang pamamahinga sa showbiz. Napanood na nga siya sa Sunday PinaSaya sa GMA noong Linggo at inaasahang magtutuluy-tuloy na uli ang kanyang pagtatrabaho.
Muli ngang nakasama ni Boobay ang kanyang BFF na si Marian Rivera last Sunday matapos siyang ma-stroke last year. Isa ang Kapuso Primetime Queen sa mga tumulong kay Boobay noong na-stroke ito at ma-confine nang ilang linggo sa ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.