3 hindi 2 kongresista ang protektor ng illegal drugs | Bandera

3 hindi 2 kongresista ang protektor ng illegal drugs

Leifbilly Begas - January 23, 2017 - 02:25 PM
alvarez Tatlo at hindi dalawa ang mga nakaupong kongresista na protektor umano ng operasyon ng ipinagbabawal na gamot.
Itinama ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng pumunta ito sa selebrasyon ng kaarawan ni PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
“Tatlo yun, tatlo… nagkamali ako (na dalawa lang),” ani Alvarez.
Pero muli, tumanggi si Alvarez sa pangalanan ang mga ito habang patuloy ang pangangalap ng ebidensya at hindi pa naisasampa ng kaso.
Inamin naman ni Isabela Rep. Rodito Albano na walang magagawa ang Kamara de Representantes laban sa mga kongresista na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Sinabi ni Albano na kailangang maghain ng pormal na reklamo laban sa mga kongresistang ito sa House committee on ethics na siyang magsasagawa ng pagdinig.
Maaaring ang mga law enforcement agency umano ang maghain ng kaso para maalis ito sa puwesto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending