4 na lalaki sa buhay ni Barbie pang-dessert ng nga beki sa gabi
PANGHIMAGAS sa gabi ang apat na leading men ni Barbie Forteza sa Meant To Be. Tapos na kasi ang dinner sa telecast nito kaya ginagawa na lang dessert ng viewers sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raj.
Kalat na kasi ngayon sa social media ang hubad na katawan ng mga Kapuso leading man. Ang kikinis, di ba? Pormadung-pormado pa ang katawan.
No wonder, inaabangan gabi-gabi ang pasabog na ipakikita ng apat matapos nilang magdispley ng kani-kanilang pandesal! Hindi kasi nakakaumay titigan ang flawless complexion nila, huh!
Kaya ang daming nainggit ngayon kay Barbie dahil solung-solo niya ang apat niyang boys!
Bukas, Lunes, hindi lang bagong kilig ang hatid ng MTB. Maging ang pre-programming nitong Encantadia at Alyas Robin Hood ay maraming isasambulat na mga pasabog na eksena.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.