Pagpunta ni Gen.Bato sa Bryan Adams concert at premiere night ng pelikula ni Matteo binatikos | Bandera

Pagpunta ni Gen.Bato sa Bryan Adams concert at premiere night ng pelikula ni Matteo binatikos

Ervin Santiago - January 22, 2017 - 12:10 AM

ronald dela rosa at matteo guidicelli

BINATIKOS ng ilang netizens si Philippine National Police chief Ronald “Bato” dela Rosa matapos itong um-attend sa premiere night ng pelikula ni Matteo Guidicelli na “Across The Crescent Moon”.

Gumaganap si Matteo rito na isang sundalong Muslim na miyembro ng Special Action Force (SAF) na mapapalaban sa sindikato ng human trafficking at iba pang krimen.

Ayon sa mga kritiko ni Bato, bakit daw nagagawa pa nitong pumunta sa premiere night ng isang pelikula samantalang ang dami-dami ngayong isyu sa PNP, kabilang na nga riyan ang pagpatay sa isang negosyanteng Koreano sa loob mismo ng Camp Crame. Kamakailan ay nakita rin siyang nanood ng concert ni Bryan Adams sa Araneta Coliseum.

Dahil dito ilang grupo ang nagsasabi na dapat nang mag-resign ang PNP Chief “to save President Rodrigo Duterte from further embarrassment.”

Sa panayam ng ABS-CBN kay Bato sa premiere night ng movie ni Matteo idinepensa nito ang kanyang sarili sa mga bumabatikos sa kanya. Anito inimbita siya sa event kaya pumunta siya, “Matagal nang patay ang biktima noong nanood ako ng concert. Mabuhay ba ang Koreano kung hindi ako manood?”

Dagdag pa ng PNP chief, nais niyang suportahan ang isang pelikula na nagpapakita ng kabayanihan ng mga pulis at sundalo at napapanahon din daw ito para ipaalala sa publiko ang pagkamatay ng 44 pulis sa Mamasapano killing noong January, 2015.

“Kinikilala ko po iyong kabayanihan ng aking mga tao kaya po nandito ako ngayon. Kung hindi ako inimbitahan eh, hindi ako pupunta dito. But iyon nga, para naman bigyan pansin iyong kabayanihan ng mga namatay na pulis at nagbuwis ng buhay, ito, nandito ako ngayon.

“Panonoorin ko iyong pelikula na alay para sa kanila. Sana po huwag na itong bigyan ng masamang istorya. Iyon lang po ang sa akin,” ani Bato.

Nagpapasalamat naman si Matteo sa pagpunta ng PNP Chief sa premiere night ng kanilang pelikula sa kabila ng kabisihan nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending