'Hindi kailangang magbayad sina Sylvia at Arjo para magka-award!' | Bandera

‘Hindi kailangang magbayad sina Sylvia at Arjo para magka-award!’

Ronnie Carrasco III - January 19, 2017 - 12:05 AM

SYLVIA SANCHEZ AT ARJO ATAYDE

SYLVIA SANCHEZ AT ARJO ATAYDE

IF our memory serves us right, there was one year in recent past—sa kasaysayan ng PMPC Star Awards for TV—nang magkaroon ng twin victory para sa mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde pero sa magkaibang kategorya nga lang.

Sa darating na March 1, Miyerkoles, the mother-and-son tandem will rewrite history as a newly organized group proclaims them as Best Actress and Best Actor, respectively, for their sterling performances in two of the most widely followed programs on ABS-CBN.

Si Sylvia, sa The Greatest Love samantalang si Arjo, sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa mga nakatutok sa dalawang shows na ito, isang inang may memory loss ang ginagampanan ni Ibyang as she struggles to deal with her children na kung tutuusin ay silang may diperensiya sap ag-iisip for their lack of affection and compassion towards their mother.

Arjo, on the other hand, essays a villain role bilang si Joaquin, isang demonyong alagad ng batas exacting vengeance on Cardo (Coco Martin) for the death of his slain father.

Ang pagganap nina Sylvia at Arjo ang umani ng papuri mula sa 80-member group aptly named GEMS which stands for Guild of Educators, Mentors and Students. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang itatag ito ng guro na si Norman Llaguno, GEMS makes a full sweep sa pagkakaloob nito ng parangal sa maituturing na crème de la crème sa mundo ng print at broadcast media, theatre, TV at film.
Sa sisentang kategorya, dalawa sa pinakamataas na parangal sa TV ang nasungkit nga ng mag-inang Sylvia at Arjo.

Save for a single award whose recipient runs counter to our personal choice, generally ay swak sa aming nod of approval ang tatanggap ng pagkilala sa Laguna Bel-Air Science High School sa Sta. Rosa City, Laguna sa seremonyang gaganapin dakong alas singko ng hapon.

q q q

Admittedly happy and excited para sa mag-ina ay tinext namin si Sylvia who, in turn, forwarded the contact numbers of Arjo’s handler, si Nenette Demillo. Sagasa sa taping ng Ang Probinsyano ang awarding rites pero susubukan daw ni Nenette na ipagpaalam si Arjo para maka-attend at personal na tanggapin ang award.

Magkahalong saya at agam-agam naman ang nararamdaman ni Sylvia nang magkausap na kami sa telepono. Saya for obvious reasons; agam-agam naman dahil ngayon pa lang daw ay tiyak na may sasabihin na naman ang ilang sektor sa pagkapanalo nilang mag-ina.

“Naku, iisipin na naman ng iba riyan na nagbayad na naman kami para lang magka-award,” sa tonong mahinahong sabi ni Ibyang.

All this time ay hindi kami aware that there are such innuendoes patungkol sa mag-ina dahil sabi nga namin sa mahusay (at higit sa lahat, mabait) na aktres, “Naku, Ibyang, kung ako mismo ay hindi nagagalingan sa iyo sa pag-arte, tama ka, iisipin kong pinaaandar mo nga ang pera mo para magka-award ka lang. Kaso, hindi, ‘no! Ang galing-galing mo!”

And does a mango tree bear apples, aber? Hindi na rin kataka-taka kung mahusay ring umarte si Arjo as he has inherited the acting genes from his mother.

Kalabisan na rin marahil na kaliskisan ang komposisyon ng GEMS. Gaya nga ng ibig ipakahulugan ng acronym, ito’y binubuo ng mga taga-academe whose credentials in the field will speak for themselves.

‘Yun nga lang, may isa lang naman (uulitin po namin, isang-isa lang naman) sa ipananalo ng grupo (we won’t mention who, for ethical reasons) whom we deem should not even have been on the nominees’ list.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Text ko na lang sa ‘yo, Teh Ervin Santiago, kung sinex films! Ha! Ha! Ha! (Ha-hahaha! Parang kilala ko na rin kung sinex itect kapatid! Ha-hahaha! – Ed).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending