Mga alkalde sa Quezon di takot kay Duterte | Bandera

Mga alkalde sa Quezon di takot kay Duterte

Den Macaranas - January 18, 2017 - 12:10 AM

SA nakaraan na pulong sa Malacanang ay maraming mga city at municipal mayors ang hindi dumalo sa meeting na ipinatawag ni Pangulong Duterte.

Sa nasabing pulong ay binigyan ng tatlong opsyon ng Pangulo ang mga local executives na sabit sa droga.

Pwede silang humingi ng tawad, mag-resign o mamatay.

Marami sa kanila ang takot lalo na ‘yung mga local officials na may drug operations sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Pero kakaiba ang nangyari sa mga alkalde na mula sa isang lalawigan sa Southern Tagalog Region.

Buo ang kanilang hanay dahil nauna na silang lumagda sa isang manifesto of support para sa Pangulo kontra sa ilegal na droga.

Bihira tayong pumuri sa column na ito pero naging epektibo ang USAD o ang United Stand Against Illegal Drugs campaign sa pangunguna ng kanilang gobernador.

Ang nasabing opisyal ang kumausap sa mga mayors at iba pang mga lokal na opisyal sa kanilang lalawigan na seryosohin ang kampanya sa ilegal na droga.

Dahil sa USAD drive, umaabot na sa 52 mga empleyado ng lalawigan na nagpositibo sa droga ang kusang umalis ang iba naman ay sinibak sa kanilang trabaho dahil gusto ni governor na gawing drug-free ang lahat ng local offices sa kanyang nasasakupan.

Kung dati ay kilalang drug haven ang lalawigan dahil mismong mga prominenteng pangalan ng mga pulitiko ang nasa likod ng mga sindikato ng droga ngayon ay unti-unti nang naiiba ang pagtingin sa kanila ng publiko.

Walang masama na gayahin ng ibang pulitiko ang USAD campaign dahil ito ang magdadala nang maayos na pagli-lingkod lalo’t alam mo na ang mga tauhan ng isang lokal na pamahalaan ay hindi gumagamit ng droga.

Kabilang kasi sa naturang kampanya ang random drug testing sa lahat ng mga kawani ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan at sa pamamagitan nito ay malalaman kung sino lamang ang mga karapat-dapat na manatili sa kanilang mga tanggapan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang local official na nagpasimula ng anti-illegal drug campaign sa kanyang nasasakupan na nagbunga na ng magandang resulta ay si Gov. D.S….as in David Suarez ng Quezon Province.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending