Makapagsi-seaman na sa taong 2017? (2) | Bandera

Makapagsi-seaman na sa taong 2017? (2)

Madam Sophia - January 17, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Bernard ng San Agustin, Libon, Albay
Problema:
1. Matagal na akong nag-aaplay sa barko since 2015 at 2016 pa, pero hindi pa rin ako sunusuwerteng matawagan ng mga pinag-aplayan ko. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makapag-barko? Dati na po akong nag-seaman ang kaso local lang ang mga barkong nasasakyan ko at fishing vessel pa at maliit lang ang suweldo.
2. Sa pagalay nyo matutuloy na ba ako sa taong ito ng 2017 at may magandang Travel Line ba sa akong palad? January 28, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Bernard Libon, Albay
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ang nagsasabing sa buwan ng Pebrero hanggang Mayo siguradong may darating sa iyong malaking suwerte at malamang ang malaking suwerteng ito ay ang napipinto o ang nalalapit mong pag-aabroad.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing sa taong ito ng 2017 hanggang 2022, marami pang suwerte ang itatala sa iyong kapalaran na may kaugnayan sa pangingibang bansa. At tandaan mo habang tinatawagan ka ng inyong agency o company hindi ka dapat tumigil ng kaaabraod.
Luscher Color Test:
Upang matiyak na matutuloy ka na sa abroad, dilaw o kaya’y pula ang gamitin mong kulay kapag nag-fallow up o nag-report ka na sa iyong inaalayan.
Graphology:
Mas okey kung hahabaan mo ang “krokes ng terang “t” sa iyong aplido. Sa ganyang paraan, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa buhay mo hindi lamang sa taong ito ng 2017 lahat ng panahon ng iyong karansan.
Huling payo at paalala:
Bernard ayon sa iyong kapalaran, tapos na ang mahaba at nakaiinip na paghihintay dahil sa taong ito ng 2017 dumating na ang iyong magandang kapalaran, kung saan, sa buwan ng Pebrero, Marso o kaya’y Abril, pinaka-matagal na sa buwan ng Mayo, may isang mabunga at mabiyayang pagsi-seaman na itatala sa iyong kapalaran at ito ay masusundan pa ng marami at sunod-sunod na pangingibang bansa na maghahatid ng isang mas maunlad at masaganang kabuhayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending