Horoscope, January 14, 2017 | Bandera

Horoscope, January 14, 2017

Madam Sophia - January 14, 2017 - 12:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito laging magpasalamat kay Lord upang lalo pang dumami ang salapi at madoble ang mga biyayang natatangap. Sa pag-ibig, kahit hindi perpekto ang kasuyo, mahalin pa rin siya at magpasalamat! Mapalad ang 5, 16, 23, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Silver at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Tuloy-tuloy ang dating ng suwerte. Sa pinansyal, lalong lalago at dadami ang kinikita habang lumamaig ang panahon. Sa pag-ibig magiging mapalad, at maligaya, hangga’t nakakaya pang iwasan ang mga tuksong dumarating. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Om-Kaliyuga.” Pink at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa taong ito sa produktong pagkain kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, paghandaan ang susunod na pakikipag-date sa kasuyong masarap romomansa. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tantra-Om-Savitra.” Maroon at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa taong ito ng 2017 higit sa inaasahan ang makakamit! Sa buwan ng Pebrero biglang madodoble ang kita. Sa pag-ibig, sopresa ang magaganap, kakaibang init at sarap ang ipadadama ng kasuyong payat. Mapalad ang 5, 14, 27, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhama-Aum-Yoti.” Lilac at purple ang buenas
Cancer – (June 22- July 22) — Sa taong ito panatiliin ang kapayapaan ng isip at kalooban. Sa payapang isip mas maraming biyayang darating. Sa pag-ibig, matatagpuan ang true love sa isang tahimik na lugar. Mapalad ang 6, 18, 22, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami-Om.” Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa taong ito tandaang hindi baling maliit ang kita, ang mahalaga kahit maliit ang kinikita matuto kang mag ipon. Sa pag-ibig, isang Aries ang lihim na nagnanasa sayo. Mapalad ang 4, 10, 25, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Regama-Om.” Yellow at black ang buenas
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito ipriority ang pamilya at career, sa ganyang paraan magtatagumpay ka at magiging maligaya. Sa pag-ibig panahon na upang kalimutan ang isang ilicit love affair. Maapalad ang 1, 9, 14, 23, 27 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om-Tetra.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kung talagang mahal mo ang iyong kasuyo hindi mo siya dapat bigyan ng sama ng loob! Sa pag-ibig at pinansyal, kung lagi kayong magkasundo ng iyong minamahal, mas maraming biyaya ang darating. Mapalad ang 3, 18, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Obre-Aum-Timbre.” Magenta at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pinansyal, sayang ang kikitain, kung patuloy kang magtatamad-tamaran. Tandaan mong “Ang oras ay may katumbas na malaking halaga ng salapi.” Sa pag-ibig, sipagan ang pakikipag-communicate sa kasuyo upang hindi siya mawala sa buhay mo. Mapalad ang 7, 11, 29, 32, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Dosha-Om.” White at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Magusot ka ng kulay na red. Sa ganyang paraan, may malaking halaga ng salapi kang matatanggap, habang sa pag-ibig mas masarap na romansa ang malalasap. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Bukod sa red, ang pink din ay buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan. Sa taong ito ng Tandang may babala na maracket at maloko ka na naman. Sa pinansyal, isipin ng sampong beses bago maglabas ng salapi. Sa pag-ibig, magpatago ng pera sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 1, 13, 23, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Kaliyuga-Om.” Orange at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa taon ito ng 2017 sa pagtiis, malaking pag-unlad ang kapalit. Sa pinansyal, talagang mahihirapan muna bago yumaman, upang ma-realize mo ang value ng salapi. Sa pag-ibig, iwasang gumawa ng ka-imoralan upang mapanatili ang masayang pamilya. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Upanisad-Jivada-Om.” Pink at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito pangalagaan ang kasulusugan! Dagdagan pa ang pag-e-ehersisyo araw-araw. Sa pag-ibig, ang pakikipag-romansahan sa kasuyong Cancer ang magpapalakas ng immune system. Mapalad ang 9, 27, 33, 39, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending