Ate Guy sumablay sa Ang Dating Daan; dapat ding mag-sorry sa mga katoliko | Bandera

Ate Guy sumablay sa Ang Dating Daan; dapat ding mag-sorry sa mga katoliko

Cristy Fermin - January 14, 2017 - 12:20 AM

NORA AUNOR

NORA AUNOR

NAGPARATING na ng panghihingi ng paumanhin si Nora Aunor sa mga kapatiran sa Iglesia Ni Cristo. Wala raw siyang malisya nang tawagin niyang Iglesia Ni Manalo ang aktibong relihiyon sa ating bayan.

Nakakarinig daw kasi siya ng mga kababayan nating ganu’n ang tawag sa INC, kaya akala niya’y normal lang ‘yun, walang-wala raw sa kanyang isip at puso ang ideyang saktan ang mga miyembro ng INC.

Pero maraming umaasang dapat ay humingi rin ng dispensa ang Superstar sa mga miyembro ng Romano Katoliko na kinanti rin niya nu’ng dumalo siya sa isang malaking pagtitipon ng Ang Dating Daan.

Komento ng kaibigan naming propesor, “Hanggang kailan ba manghihingi ng sorry si Nora? Gagawa siya ng isang bagay na makasasakit sa kalooban ng ibang tao, tapos, manghihingi lang siya ng dispensa!

“Wala bang advisers si Nora? Mabilis kasi siyang magpakawala ng mga salitang sablay, ang dali-dali niyang magpadala sa emotion niya. Madali siyang bateryahan.

“Nagpapalakpakan kasi ang mga tao nu’n sa mga pinagsasasabi niya, kaya ayun, umarya naman siya nang umarya at tinumbok niya ang INC at Roman Catholic!

“Sa edad niya ngayon na lampas na siya sa boundary, senior citizen na siya, dapat, e, marami na siyang natutuhan sa buhay.

“Nakakasawa na ang mga pagsu-sorry ni Nora Aunor, sa totoo lang! Paulit-ulit na lang!” nakataas ang kilay na komento ni prop.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending