Benipisyaryo ng benepisyo | Bandera

Benipisyaryo ng benepisyo

Liza Soriano - January 13, 2017 - 12:10 AM

GOOD day. Subscriber po ako ng Bandera dito sa Zamboanga City. Matagal nang namatay ang mother at father ko pati ang kaisa-isa kong kapatid.

Hindi ako pwedeng mag-claim ng benefits sa SSS dahil wala raw ako sa beneficiary.

May birth certificate naman ako. Ako ang nag-alaga at gumastos sa mga magulang ko. Ano ang gagawin ko para makapag-claim ako sa SSS?

Umaasa,

Ardion F. Gumipat,

REPLY: ITO ay bilang tugon sa liham ni G. Ardion F. Gumipat tungkol sa pag-claim n’ya ng benepisyo dahil sa pagkamatay ng kanyang mga kaanak na miyembro ng SSS.

Hindi po niya nabanggit ang pangalan at SSS number ng mga miyembro kaya hindi namin maberepika ang kanilang mga SSS rekords.

Gayunpaman, ang SSS ay nagbabayad ng benepisyo sa pagpapalibing (funeral benefit) sa taong gumastos para sa burol at pagpapalibing ng namatay na miyembro.

Kailangan lamang niyang maipakita ang mga patunay ng kanyang nagastos kagaya ng official funeral receipt.

Ang SSS ay nagbabayad din ng death benefit para sa benepisyaryo ng namatay na miyembro ayon sa sumusunod na pagkakasunod:

1. Primary Beneficiary – ligal na asawa ng miyembro (hanggang sa muli siyang makapag-asawa o makipagrelasyon), dependent legitimate, legitimated, legally adopted at illegitimate na anak ng miyembro na hindi lalagpas sa edad na 21 o lagpas sa 21 kung incapacitated o walang kakayahang suportahan ang sarili dahil sa kapansanang pisikal o sa pag-iisip. Kung wala;

2. Secondary beneficiary – ang mga magulang ng miyembro. Kung wala rin;

3. Benepisyaryo na inilagay ng miyembro sa kanyang SSS rekords. At kung wala pa rin;

4. Legal heirs ng namatay na miyembro ayon sa batas ng pagmamana sa ilalim ng Family Code of the Philippines.

Para po sa katanungan ng ating mga miyembro, maaari rin po silang mag-email sa [email protected] o tumawag sa SSS call canter 920-6446 hanggang 55.

Sana ay aming nabigyang linaw ang inyong katanungan.

Salamat po.
Sumaasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security Officer IV
SSS Media Affairs Department
Noted:
Ma. Luisa P Sebastian
Department Manager III
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending