Taxi driver ngayon sa buhay ng OFW, level-up na | Bandera

Taxi driver ngayon sa buhay ng OFW, level-up na

Susan K - January 13, 2017 - 12:10 AM

DATI-rati, magagandang kuwento ang naririnig natin sa mga OFW hinggil sa kanilang naging karanasan sa ating mga taxi driver. May nagmamagandang-loob na tinutulungan nila ang mga pasaherong OFW mula sa airport at naging biktima ng illegal recruitment o di kaya’y ilegal na na-terminate sa kanilang pag-aabroad at inihahatid pa nila ang mga OFW nating ito sa Bantay OCW. Minsan, sa awa nila, hindi na nila sinisingil ng metro ang mga iyon.

Ngayon ibang-iba na ang kuwento. Isang OFW ang siningil ng P1,500 mula airport hanggang Las Pinas, hindi nito pinaandar ang kanyang metro at hindi rin pumapayag kahit anong reklamo ng OFW na labis-labis ang kaniyang sinisingil. Agad na nakapagreklamo ang OFW at nahuli ang abusadong driver.

Asawa ng seaman si Jema at naging pasahero ni Daniel Sallan nang sumakay ito mula sa airport.

Palibahasa’y likas na talaga sa ating mga Pinoy ang pagiging palakaibigan, palakuwento at palatanong, kung kaya’t malaya namang sagot tayo nang sagot sa bawat tanong at walang masamang iniisip sa ating kapwa.

Unang tanong kay Jema kung sino umano ang inihatid nito sa airport. Sinabi niyang ang asawa nitong seaman. Sabi ni Sallan, eh di tiyak na may iniwang pera sa kanila ang seaman.

Itinanggi iyon ni Jema at sinabi nitong allowance lang.

Ngunit, nang nasa Baclaran na sila, nagdeklara ng hold-up ang driver. Natangayan nito ng P10,000 ang biktima.

Mabuti na lamang at nakansela ang flight ng kanyang asawa kung kaya’t nakapagsumbong agad si Jema. Mabilis namang nakapag-report sa mga otoridad ang mag-asawa at nasakote ng mga pulis sa NAIA Terminal 1 ang driver nang bumalik ito doon.

Nahaharap sa kasong robbery with violence at resistance and disobedience to a person in authority si Sallan.

Nangyari ang insidenteng ito sa airport, at mabuti naman na sa airport din nasakote ang driver.

Kahit walang direktang pananagutan dito ang pamunuan ng mga paliparan, mahigpit pa ring pinag-iingat ni General Manager Ed Monreal ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ating mga manlalakbay, OFW man o hindi, dahil totoong naglipana ngayon ang masasamang loob at iba’t ibang modus operandi ang mga pakulo nito makapambiktima lang sa ating mga kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hinimok ni Monreal na magsumbong kaagad sa MIAA kung sakaling mangyari ang mga insidenteng ito sa ating mga paliparan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending