Chief implementor ng war on drugs komedyano
NAGKAROON ang mga tiwaling pulis na gamitin ang kampanya laban sa droga sa mga inosenteng mamamayan.
Maraming pulis ngayon ang nagsasagawa ng extortion sa mga sibilyan, na karamihan ay Tsinoy o dayuhan, na pinaparatangan nila na sangkot sa drug trafficking, o mga pulis na gumaganti sa kanilang mga personal na kaaway.
Ang iba namang law enforcers na lumilinya sa kidnapping for ransom: aarestuhin nila ang biktima, dadalhin sa safehouse at pakakawalan lamang kapag nakapagbayad na ng ransom ang kanilang pamilya.
Ang mga ganitong alagad ng batas ay dapat iligpit na o mawala na lang kapag ang ebidensiya laban sa kanila ay napakalakas.
Ang pagsampa sa kanila ng kaso sa korte ay walang saysay dahil inutil o korap ang ating hudikatura; baka mapawalang-sala ang mga ito at gumawa uli ng krimen.
Ang pulis na nakita sa CCTV camera na nanguna sa pagkidnap sa isang negosyanteng Koreano ay dapat pahirapan (gawain naman ng mga pulis ang mag-torture sa mga suspects) upang maituro niya ang kanyang mga kasamahan.
Matapos mahuli ang ibang miyembro ng kidnap gang, ang pulis at kanyang mga kasamahan ay dapat barilin sa ulo isa-isa at ang kanilang mga bangkay ay itapon sa kalye na may cardboard na nakasulat, “Ako’y kidnapper, huwag tularan.”
Ang ganoong pagsalvage ay dapat gayahin sa iba pang mga pulis na sangkot sa iba’t ibang krimen, gaya ng drug trafficking, pagbebenta ng mga nahuling droga, carnapping, akyat-bahay, robbery with homicide at gun-for-hire.
Ang mga bangkay ng mga pulis na nakasabit sa poste ng kuryente o nakatihaya sa kalye—lalo na’t nakauniporme ang mga ito—ay magbibigay ng mensahe sa ibang mga pulis na gustong gumawa ng krimen na huwag nang ipagpatuloy ang kanilang balak.
Wala nang ibang paraan upang linisin ang Philippine National Police (PNP) ng mga masasamang elemento kundi ang isalvage ang mga ito.
Pero paano gagawin ng gobyerno ang pagligpit ng mga masasamang pulis?
Tiyak na hindi susunod ang kanilang mga kabaro.
Puwedeng gamitin ng Duterte administration ang miyembro ng special operations units ng Armed Forces of the Philippines, gaya ng Rangers at Special Forces.
Ang mga elite soldiers ay susunod sa kautusan ng tepokin ang mga masasamang damo sa PNP kapag sasabihin sa kanila na ito’y para sa kabutihan ng bayan.
Kung gusto ni Pangulong Digong na matakot ang kriminal at pulis—parang wala nang pagkakaiba ang dalawa kasi, eh—dapat ay palitan niya si Director General Ronald “Bato” dela Rosa.
Si Dela Rosa ay panay dakdak at kulang sa gawa.
Hindi siya ginagalang ng kapwa niya opisyal at mga rank and file members ng PNP dahil tinuturing siyang isang komedyano na palaging nagpapatawa sa madla.
Ang kanyang pangako noong Pasko na bigyan ng malalaking bonus ang mga matataas na opisyal ng PNP, na hindi nangyari, ay nagpapatunay sa mata ng marami na siya’y iresponsable.
Noong nagkaroon ng krisis ang PNP—gaya ng insidente sa US embassy kung saan sinagasaan ng isang police patrol car ang ilang demonstrators, at ang pagsalvage kay Mayor Rolando Espinosa sa loob ng kanyang selda—nasa labas ng bansa si Dela Rosa.
Parang malambot si Dela Rosa sa mga pulis na sangkot sa pagkidnap sa isang negosyanteng Tsinoy noong Agosto at sa Korean businessman.
Ang malaki niyang kapalpakan ay pagpasa ng sisi sa isang “kumpare” sa hindi pagtanggal sa puwesto ng isang tiwaling opisyal ng pulis at dahil dito ay napilitan si Pangulong Digong na aminin na siya ang may utos.
Paano ituturing ng mamamayan na seryoso si Presidente Digong sa kanyang war on drugs kung ang chief implementor nito ay isang komedyano?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.