Bryan Termulo naka-graduate na sa college; teacher na rin
KUNG merong isang young celebrity na dapat maging role model ng mga kabataan ngayon, ‘yan ay walang iba kundi ang Prince of Teleserye Theme Songs na si Bryan Termulo.
Kahapon, sa presscon na ibinigay sa kanya ng Megasoft Hygienic Products nilang pinakabagong celebrity endorser, ibinalita ni Bryan na natapos na niya ang kanyang kursong Bachelor of Arts in Communication sa Trinity University of Asia. At dean’s lister din siya sa huling dalawang taon niya sa kolehiyo.
Ito raw ang dahilan kung bakit hindi siya masyadong naging visible last year sa shiwbiz. Hindi naman daw siya totally nawala sa limelight, medyo nabawasan lang daw ang workload niya dahil nga mas binigyan niya ng priority ang pag-aaral.
“Hindi naman talaga matatawag na nawala, kasi from the very beginning, nagte-teleserye na ako at kumakanta ng theme songs. Hindi alam ng lahat na nag-aaral ako thoroughly.
“Kumbaga, noong dumating yung ni-label na ako as Prince of Teleserye Theme Songs, second year college na ako sa Trinity. Nag-aaral na ako ng Mass Communication,” pahayag ng binata na unang nakilala bilang first runner-up sa reality talent search ng GMA na Pinoy Pop Superstar noong 2007.
Hanggang sa lumipat na nga siya sa ABS-CBN at nakilala sa pagkanta ng mga Kapamilya teleserye tulad ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak at Honesto. Regular din siyang napapanood sa weekend News and Public Affairs morning show ng ABS-CBN na Salamat Dok hosted by Bernadette Sembrano at Alvin Elchico.
“I’m still around, naiba lang ng linya, singer-turned-TV host kasi I’m doing Salamat Dok every Saturday and Sunday. Naiintindihan ko kung hindi niyo napapanood dahil ala-sais ng umaga siya. More on hosting ako ngayon. I’m doing that isang taon na,” pahayag pa ni Bryan sa presscon ng Megasoft.
Bukod dito, nakumpleto rin ni Bryan ang units para sa kanyang supplementary Education course. Kaya ang sumunod na tanong sa kanya kung may plano na ba siyang iwan ang mundo ng showbiz? “Let’s face it. Sinasabi kasi nila na some people come and go. Siguro parang fallback ko, Plan A o Plan B, at least may natapos ako.
“At least ako, na-prove ko sa sarili ko na mawala man ako rito, nakapagtapos naman ako ng pag-aaral, at yun ang importante,” aniya pa.
Hirit pa ng binata, “Nasa sa akin kung gusto ko nang mag-take ng board exam. I don’t know kung ready na ako (magturo) pero darating talaga tayo doon,” ani Bryan.
Samantala, bilang bagong ambassador ng Megasoft Hygienic Products (makers of Cherub baby care products, Sisters sanitary napkins, Super Twins baby diapers, Fasclean Extra Power detergent at Megasoft tissue), nakatakdang ikutin ni Bryan ang iba’t ibang public schools sa bansa para sa kanilang “School Is Cool” advocacy.
Actually, last year pa nagsimula ang nasabing adbokasiya sa ilang paaralan dito sa Metro Manila, at ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao, giving recognition to outstanding students and teachers and assistance to their respective schools.
Nu’ng Lunes lang, nagtungo na si Bryan sa Col, Lauro Dizon Memorial National High School sa San Pablo City, Laguna kung saan pinaligaya ng binata at ng Megasoft ang lahat ng guro at estudyante roon.
“Bryan is an excellent performer and has shown commitment to Megasoft’s ‘School Is Cool’ advocacy. Not to mention his passion for education,” ang sabi ni Aileen Choi Go, Marketing VP ng Megasoft na siyang nagpakilala kay Bryan bilang new ambassador ng kanilang produkto.
Sabi naman ni Bryan, “I am very thankful to Megasoft for giving me the opportunity to experience all my passions in one event – education, singing and travelling lalo na ang ma-inspire ang ating mga kabataan na tuparin ang kanilang mga pangarap.”
Sa mga interesadong malaman ang mga schedule ng “School Is Cool” tour ni Bryan, follow Megasoft_PH sa Instagram at iba pa nilang social media accounts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.