Pagiging No. 1 ng ‘Die Beautiful’ ni Paolo sa MMFF 2016 iniintriga
DINI-DISCREDIT pa ng ilang kampo ang pagiging number one sa takilya sa Metro Manila ng Regal movie na “Die Beautiful”!
Ang Metro Manila Film Festival Executive Committee ang nagpahayag ng ranking ng walong entries sa duration ng showing ng MMFF 2016 kaya opisyal na ito, huh!
This time, namayani ang Regal at Reality Entertainment. Yan ang tunay na pagbabago sa moviefest this year. Waging-wagi rin sa takilya ang horror movie na “Seklusyon” produced by Dondon Monteverde, anak ni Mother Lily Monteverde.
Wala mang figures na inilabas ang MMFF, still, hindi ilalabas ang ranking kung wala itong basehan.
Tutal naman, Metro Manila ang festival at dagdag na lang ‘yung resulta sa probinsiya, tama ba?!
But still, heto pa rin ang naiinggit na naglalabas ng kanilang figures trying to deceive the public.
Nagkaroon na nga ng deception sa isang entry, pati ba naman resulta ay idi-deceive ang mga tao?
Anuman ang sabihin nila, anuman ang ipangalandakan nila, one cannot argue with SUCCESS! Beauty and true change rule on this year’s Metro Manila Film Festival!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.