Nasawi ang dalawang lalaki nang mabagsakan ng live wire sa Rosario, Batangas kagabi, ayon sa pulisya.
Isinugod pa sa ospital sina Elmer Gonzales, 19, at Jude Michael Egot, 20, kapwa residente ng Quezon, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.
Naganap ang insidente dakong alas-6:30, habang naglalakad sina Gonzales at Egot sa Sitio Cupi Brgy. Bagong Pook, kung saan sila nagtatrabaho bilang farm caretaker.
Bigla na lang umanong bumagsak sa daan ang isang electric line, at nahawakan ng dalawa kaya sila nakuryente.
Pinaglalamayan na ngayon sa punerarya ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending