Seguridad ikinakasa para sa Pista ng Nazareno | Bandera

Seguridad ikinakasa para sa Pista ng Nazareno

- January 02, 2017 - 03:27 PM

INUMPISAHAN na ng pulisya ang paghahanda ng seguriadad para sa nalalapit na pista ng Itim na nazareno.
Sinimulan na rin kahapon ng Quaipo Church ang araw-araw na pagsasagawa ng briefing para sa nalalapit na pista, na nakatakdang gawin sa Lunes, Enero 9.

Para sa taong ito, ang tema ng traslacion ay “Pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa”.

Inilabas na rin ng simbahan ang opisyal na logo ng traslacion.
Nanawagan naman si Fr. Doug Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church sa mga deboto na ihanda ang sarili, physically, emotionally at spiritually para sa nasabing prusisyon.

Maliban sa Quiapo, Maynila na taun-taon ay dinarayo ng milyun-milyong mga deboto may isasagawa ring traslacion sa Tagum City at Cagayan De Oro City.
Samantala, may 5,000 pulis ang idedeploy sa pista, habang ang militar ang titiyak na magiging ligtas ang pagdiriwang mula sa terror attacks.
Sa ngayon, ayon kay Armed Forces chief Lt. Gen. Eduardo Año, ay wala silang nakikitang aktuwal na banta ng terorismo.
“But just the same, we are preparing and focusing our security efforts for the feast of the Black Nazarene,” pahayag ni Año.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending