Mocha tinira si Korina: Magbayad kayo sa pagsira n’yo sa Pinas ng 6 taon
DID Mocha feel that she was being alluded to sa isang innocent message ni Korina Sanchez?
“Wow Ms. Korina magbabayad po ako at ang iba pang sumira sa inyo pero isang condition po MAGBAYAD KAYO SA ORDINARYONG PILIPINO sa pagsira ninyo sa ating bansa sa 6 na taon.”
That was how Mocha reacted sa message ni Korina last Christmas which read: “Mar and me…a blessed Christmas and productive 2017 to all of you who continue to believe…na kalabaw lang ang tumatanda. At magbabayad lahat ng may atraso sa atin this year. Hahaha!”
“Paano naman po ang mga atraso nila sa bayan?” sagot pa ni Mocha.
Clearly, nakikisakay itong si Mocha. Hindi naman siya ang pinatatamaan sa message dahil unang-una it was just a joke pero kiyaw-kiyaw pa rin siya sa kanyang blog.
Nakakaloka itong si Mocha. Palaging nakikisawsaw kahit hindi naman dapat. Ayan tuloy, she’s nagmo-MOCHANG TANGA!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.