Unang korona sa Ronda Pilipinas puntirya ni Oconer | Bandera

Unang korona sa Ronda Pilipinas puntirya ni Oconer

Angelito Oredo - December 29, 2016 - 11:00 PM

MATINDI ang pagnanais ni George Luis Oconer na patunayan sa kanyang sarili na kaya niyang maging isang kampeon matapos madama ang potensiyal at lakas para sa pinakamimithi nitong kauna-unahang titulo sa LBC Ronda Pilipinas na nakatakdang sumikad ang 2017 edisyon sa Pebrero 4 sa Vigan, Ilocos Sur.

Bitbit ang baguhang koponan na Go for Gold, ipinamalas ng 24-anyos na si Oconer ang matinding intensiyon sa korona sa pagwalis sa dalawang isinagawang qualifying race sa Subic nitong nakaraang Nobyembre at sa Bacolod City kaagahan ng Disyembre para itakda ang pagiging isa sa paborito na magwawagi sa ikaanim na edisyon ng pinakamalaking karera sa bansa.

“Mas focus at determinado ako na mapanalunan ang titulo ngayong taon dahil medyo matured na tayo sa paglalaro,” sabi ni Oconer, na ang pinakadikit na pagkakataong maiuwi ang titulo ay noong 2015 matapos na pumangalawa sa dalawang beses na naging LBC Ronda Pilipinas champion na si Santy Barnachea.

Sinabi ni Oconer, na ang amang si Norberto ay isang dating two-time Olympian cyclist, na masaya siya sa kanyang bagong koponan, na pinamumunuan ni Ronnel Hualda at kasama sina Boots Ryan Cayubit at Ronald Lomotos.

“Mas gusto ko ang koponan ngayon dahil sa kombinasyon ng youth at experience,” sabi ni Oconer.

Gayunman, inaasahang masusubok si Oconer kontra sa matinding hamon ng mga karibal partikular sa koponan ng Navy-Standard Insurance team na dinomina ang ginanap na tatlong edisyon ngayong taon.
Nakataya ang malaking premyo na P1 milyon para sa kampeon mula sa presentor na LBC at major sponsors na Mitsubishi, Petron, ASG Group, Dans360 at Donen habang sanction ng PhilCycling sa pamumuno ng president na si Abraham “Bambol” Tolentino.

Matatandaan na dinomina ng Navy na pinamumunuan ni team captain Lloyd Lucien Reynante ang Luzon, Visayas at Mindanao leg kung saan nagpalitan sa pag-uwi sa korona sina Jan Paul Morales at Ronald Oranza. Dalawa ang nakuha ni Morales habang isa kay Oranza.

Gayunman, nakatutok si Oconer hindi lamang sa kalaban kundi sa tagumpay.

“If I race intelligently, I will have a strong chance,” sabi ni Oconer, na nais humanay sa mga tinanghal na kampeon sa Ronda Pilipinas na sina Barnachea (una at ikalimang edisyon), Mark Galedo (ikalawa), Irish Valenzuala (ikatlo) at si Reimon Lapaza (ikaapat).

Magsisimula naman ang karera sa Pebrero 4 sa dalawang yugto sa Ilocos Sur bago tumulak sa Angeles (Pebrero 8), Subic (Pebrero 9), Lucena, Quezon (Pebrero 12), Pili, Camarines Norte (Pebrero 14 at 16), Daet (Pebrero 17), Paseo de Sta. Rosa sa Sta. Rosa, Laguna (Pebrero 19), Tagaytay at Batangas (Pebrero 20), Calamba at Antipolo (Pebrero 21), Bacolod, Don Salvador at  San Carlos (Pebrero 28) bago kumpletuhin ang edisyon sa pares ng karera na isasagawa sa Iloilo City (Marso 3 at  4).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending