Hugot: Paolo, Christian iyak nang iyak sa loob ng sinehan
NAPAIYAK sina Paolo Ballesteros (who played Trisha) at ang newcomer na si Christian Bables (who played Trisha’s best friend Barbs) sa screening ng “Die Beautiful” sa Market Market last Christmas.
Sa Live Feed na napanood namin sa Facebook courtesy of Regal Entertainment ay kitang-kita ang pag-iyak ng dalawa dahil sa tuwa sa reception ng mga tao after the screening.
Pawang pasasalamat ang namutawi sa bibig ng dalawa. Si Christian nga, parang ayaw papigil, iyak pa rin nang iyak kaya nasabi tuloy ni Paolo, “Sabi ko sa ‘yo ‘wag ka manood, eh.”
Puro good reviews ang nabasa namin sa acting ng dalawa sa internet and we wouldn’t be surprised kung sila ang itanghal na best actor at best supporting actor.
Isa rin ang “Die Beautiful” sa mga official entry na nangunguna sa takilya and for sure, ito ang pinakamasayang Pasko ng dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.