Zambales niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.5 ang Zambales kahapon ng tanghali, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang pagyanig ay naramdaman alas-12:07 at ang sentro nito ay natunton 17 kilometro sa kanluran ng Masinloc. May lalim itong 29 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity IV sa Masinloc. Intensity III sa mga bayan ng Iba at Palauig. Intensity II naman sa Santa Cruz at Botolan.
Naramdaman ng instrumento ng Phivolcs ang Intensity I sa Dagupan City, Olongapo City, Cabanatuan City at Navotas City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.