Bagyong 'Nina' 8 beses nag-landfall | Bandera

Bagyong ‘Nina’ 8 beses nag-landfall

Leifbilly Begas - December 26, 2016 - 04:27 PM

nina

Humina ang bagyong Nina matapos itong ilang beses na mag-landfall habang tinatahak ang direksyon papalabas ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ala-1 ng hapon ng mag-land fall ang bagyo sa Lubang— ang ikawalong pagkakataon na nag-landfall ang bagyo na nagsimula sa Catanduanes kagabi.
Bukas inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Ala-1 ng hapon kahapon, ang bagyo ay nanalasa sa Lubang, Occidental Mindoro. May hangin ito na umaabot sa 130 kilometro bawat oras at pabugsong 215 kilometro malapit sa gitna.
Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran.
Ngayong umaga ito ay inaasahang nasa layong 415 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales.
Kahapon ay nakataas pa ang tropical cyclone warning signal no. 3 sa kanlurang bahagi ng Batangas at hilagang bahagi ng Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island.
Signal no. 2 naman sa Oriental Mindoro, iba pang bahagi ng Occidental Mindoro, Cavite at iba pang bahagi ng Batangas.
Signal no. 1 naman sa Metro Manila, Rizal, Marinduque, Laguna, Bataan, katimugang bahagi ng Zambales, katimugang bahagi ng Quezon at Calamian Group of Islands.
30

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending