Bakwit kay 'Nina' sa Bicol umabot na sa 300,000 | Bandera

Bakwit kay ‘Nina’ sa Bicol umabot na sa 300,000

- December 26, 2016 - 09:49 AM

UMABOT na sa 71,361 pamilya o 319,838  mga residente ang nagsilikas sa kai-kanilang mga bahay nitong araw ng Pasko dahil sa lakas ng ulan at hangin na dala ng bagyong si Nina.

Marami sa mga residente ang nagtungo sa Central Elementary School sa Santo Domingo, Albay, para doon na sariwain ang Kapasuhan.

Base sa tala ng  Office of Civil Defense (OCD) Bicol, 42,859 pamilya o 171,652 katao ang inilikas sa Albay habang 372 pamilya o 1,244 tao naman ang sa Camarines ang umalis ng kanilang mga tahanan.

Sa Camarines Sur, 23,980 pamilya o 106,378 katao ang nasa evacuation center na habang 6,408 pamilya o 29,406 katao naman sa Catanduanes, 2,199 pamilya o 10,796 tao sa Sorsogon at 59 pamilya o 362 tao naman sa Masbate ang kailangan ding manatili sa mga evacuation centers.

Nag-second landfall si Nina sa Sagñay, Camarines Sur alas 9:30 ng gabi Linggo matapos ang una nitong landfall sa Bato, Catanduanes alas 6:30 Linggo rin ng gabi, na agad ikinabaha ng maraming lugar sa Bicol at ikinasira rin ng maraming bahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending