Sarah, Matteo may pinaligayang bata bago magpasko; may plano na sa bagong taon
ISANG Popster ang pinaligaya ni Sarah Geronimo nitong nagdaang Pasko na ang tanging wish ay makita siya nang personal.
Tuwang-tuwa si Julie Anne nang sorpresahin siya ni Sarah sa tulong ng Make A Wish Foundation kasama pa ang boyfriend nitong si Matteo Guidicelli.
Binigyan pa siya ng regalo ng kanyang idolo kaya naman abot-langit ang kanyang pasasamalat sa singer-actress.
Pagkatapos nito, dumiretso agad sina Sarah at Matteo sa bahay-ampunan na SOS Children’s Villages sa Alabang kung saan marami pa silang pinaligayang mga bata.
Game na game na nakipagkuwentuhan at nakipagkantahan sina Sarah at Matteo sa mga bagets, kinanta rin nila nang sabay-sabay ang ABS-CBN Christmas Station ID.
Sa huling panayam kay Matteo sinabi nitong hindi sila magkasama sa Pasko ni Sarah, nagdesisyon sila na mag-celebrate ng Christmas with their respective families.
Baka raw after Christmas na sila mag-celebrate together in time naman para sa New Year. Feeling kanilang fans, may bonggang sorpresa si Matteo para kay Sarah sa pagpasok ng 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.