Talunang sugarol na politiko naghahanda na sa 2019 | Bandera

Talunang sugarol na politiko naghahanda na sa 2019

Den Macaranas - December 23, 2016 - 12:10 AM

ILANG taon pa bago ang eleksyon pero naghahanda na sa kanyang muling pagbabalik sa pulitika ang isang kilalang pulitiko mula sa Metro Manila.

Hindi siya sinuwerte sa nakaraang halalan kaya naman naghahanda siya ngayon sa kanyang major comeback.

Natapos na kasi ang kanyang termino kaya siya tumakbo sa ibang posisyon pero natalo.

Sinabi ng ating Cricket na target ni Sir ang kanyang dating posisyon sa isang lungsod dito sa Metro Manila.

Pero mukhang hindi niya makakasama sa tiket ang kanyang dating ka-tandem dahil matunog na susuportahan nito ang kanyang bagong partner na ipinalit sa ating bida.

Nagkaroon din ng tampuhan ang dalawa dahil sa isyu ng political fund at pwestong kanyang tinakbuhan sa nakalipas na halalan.

Totoo ang kasabihan na kapag nawala sa pwesto ay mawawala rin ang suporta mula sa mga dating kaalyado at ito ay napatunayan ng bida sa ating kwento.

At dahil magkakaproblema siya sa gagamiting pondo, balik sa tried and tested formula para magkakwarta si Mr. Politician.

Sugal. Casino at sabong. Ito ang ilan sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng dating local official na naghahanda na para sa susunod na elekyon.

Lately ay naging maganda ang pasok sa kanya ng pera kaya naman halos ginagabi na siya sa pag-uwi sa kanilang magandang tahanan.

Ilang beses na siyang pinagsabihan na iwasan ang pagsusugal pero tila hindi ito maiwasan ng ating bida.
Para kasi sa kanya, hindi na baleng malulong sa sugal huwag lang sa droga.

Ang bida sa ating kwento na isang pulitiko na hanggang ngayon pala ay lulong pa rin sa sugal ay Mr. M…as in Money.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilala mo ba ang bida sa ating kwento? O baka meron kang wacky story na gustong I-leak, mag-email lang sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending