Pamamaril sa Simbang Gabi: 2 patay | Bandera

Pamamaril sa Simbang Gabi: 2 patay

John Roson - December 22, 2016 - 04:14 PM
laguna Dalawang tao ang nasawi at isa ang nasugatan nang mamaril ang mga di pa kilalang salarin habang may idinaraos na Simbang Gabi sa Biñan City, Laguna, Miyerkules ng gabi, ayon sa pulisya. Nasawi sina Allan Fernandez, 36, at Christine Joy Sailog, 12, habang sugatan si Rowena Flores, 46, ayon sa ulat ng Laguna provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-10 sa tapat ng San Antonio Parish Church sa Brgy. San Antonio. Nagdu-duty si Fernandez bilang barangay tanod, nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang lalaki. Tinamaan naman ng ligaw na bala sina Sailog at Flores, na kapwa dumadalo sa simbang gabi, ayon sa ulat. Dead on arrival sa ospital sina Fernandez at Sailog, habang si Flores ay kinailangang isailalim sa surgical operation. Natagpuan sa pinangyarihan ang anim na basyo at isang slug ng kalibre-.45 pistola. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga salarin na agad tumakas matapos mamaril, habang sinisilip ng pulisya ang posibilidad na may kinalaman sa droga ang insidente dahil kabilang umano si Fernandez sa drug watch list ng Biñan City Police. (John Roson) – end –

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending