Game na game na: Kris Aquino tuloy ang pagbabalik-TV pagpasok ng 2017
HINDI pala basta bakasyon lang ang dahilan ng pagbiyahe sa Amerika ni Kris Aquino at ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby. Isasabay niya na rin ang kanyang masusing pagpapa-check-up sa isang malaking ospital sa San Francisco.
Matagal na ring wala tayong nababalitaan na nagkasakit si Kris, kung kailan naman siya inatake ng depresyon dahil pinagsaraduhan siya ng pintuan ng kanyang home network, saka naman mas tumatag ang kanyang katawan.
Pero ayon sa kampo ni Kris ay kailangan na niyang paghandaan ang maraming trabahong tututukan niya sa kanyang pagbabalik. Mukhang maganda ang balita, hindi na sa social media lang mapapanood ang tinaguriang Queen Of All Media, makababalik na siya sa mainstream television.
Na magandang balita talaga dahil maraming kababayan na natin ang nasasabik siyang mapanood.
Anuman ang sabihin ng iba diyan ay ibang-iba pa rin ang atake ni Kris sa hosting.
Buhay na buhay, kontrobersiyal at makulay, pinag-uusapan ang kahit anong sabihin lang niya ke positibo ‘yun o nagpapapansin lang siya. ‘Yun ang nami-miss sa kanya ng mga kababayan nating nakapagkit ang mga mata sa telebisyon kapag humihirit na ang taklesang TV host.
Maging maayos sana ang kanyang mga pagdadaanang proseso para wala na siyang problema kapag nagsimula na siyang magtrabaho.
Kris Aquino is Kris Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.