Mocha Uson dinedma ng media matapos humarap sa Malacanang | Bandera

Mocha Uson dinedma ng media matapos humarap sa Malacanang

- December 21, 2016 - 03:59 PM

mocha uson

DEDMA lamang ang mga mamamahayag na nakatalaga sa Malacanang kay Mocha Uson matapos namang imbitahan ng Palasyo na dumalo sa regular na briefing sa kabila ng nauna nitong taguri sa Malacanang Press Corps (MPC) na bias.

Kabilang si Uson sa mga inimbitahan para makasama ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na humarap sa isang briefing. Bukod kay Uson, inimbitahan din si Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino-Seguerra.

Sa kanyang paunang pahayag, idinahilan ni Abella na inimbitahan si Uson para i-promote ang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Matapos namang ang paunang salita ni Uson, hindi na siya tinanong ng media.

Taliwas naman ito sa pagtatanong kay Dino, kung saan kinuha ang kanyang pananaw kung tatangkilin pa rin ang MMFF sa kabila ng hindi pagkakasali ng mga malalaking pelikula.

“Well, that’s precisely the reason why we are providing this opportunity for the independent films to be shown in this particular festival,” dagdag ni Dino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending